Pagkarating ko ng cafe si miko kaagad yung nakita ko sa counter kaya dun na rin ako dumiretso.
"one mocha Frappe please" pag kasabi ko nun nagulat siya dahil di niya ako nakitang pumasok at di niya alam na ako yung customer niya
"Please wait and find your seat miss Reverie, ihahatid ko nalang to sayu mamaya" miss reverie?? bago yun ah
"Thank you miko" kung siya di nga nagaalinlangan na tawagin ako sa pangalan ko dapat ganon rin ako.
Naghanap ako ng upuan na malapit sa bintana pero malapit lang din sakanya para di na siya mahirapan pang hanapin ang upuan ko. Pag ka upo ko phone ko kaagad yung hinanap ko sa bag dahil simula kaninang umaga di pa ako naka pag chat sa mga girls.
Ashley; bebs ano na?? okay ka lang ba?? nahimatay ka na dahil di mo nakita si mr. nakabanggaan mo??
Kung alam lang sana nila na nagkita na kami at mas malala pa dun kapit bahay ko pa at may chance na magkalapit
Nicole: pa imbistigahan natin bebs!! Hoyy!! mag online ka nga!!
Chelsey: busy yata kakahanap kay mr. nakabanggaan eh. Update nalang guys ano na may nanliligaw na ba sainyo??
Nicole: Meron na sakin kaso laruan yata tingin saakin dahil nangangamoy mapaglaro kaya pass ako dun
Ashley: Meron na sakin at halatang serious relationship din ang hanap dahil mga magulang ko kaagad yung hinarap mga dzhaiii!!
Nicole: isang sanaol sayo ashyyyy, ikaw chels??
Chelsey: meron na rin at seryuso din.
Me: edi kayu na may manliligaw!!
Ashley:oh buhay kapa bebs??
Nicole: Nakakahinga pa yung gaga ngayon lang nag paramdam
Chelsey: Bakit ngayon ka lang naka pag open?? Anyare sayo bebs??
Me:miss niyo ko??
Nicole: mukha mo miss!!
Magrereply na sana ako ulit ng may nagbaba ng drinks sa harapan ko at yun na nga sa miko na kahit halatang pagod pogi pa rin.
"Heres you frappe, hope you like it"
"Thankyou sa ulam and i forgot to pay this drink HAHAHAH " Nakakahiya!! di ko pa to nababayaran dahil pinahanap ka agad ako ng upuan atsaka di niya rin naman sinabi kung magkano lahat eh.
"Its okay sagot ko na to and yahh masarap ba?? yung ulam??" sobra dahil yun yung favorite ko
" Yahh super bagay na nga mga chef eh!" totoo walang halong biro kayang kaya niyang palitan yung chef sa mga restaurant
"ay nambola pa gusto mo lang yata na bigyan ulit eh HAHAHAH"
"Bakit naman tatanggi?? HAHAHAH"
Di ko alam, dahil ba may gusto ako sakanya kaya napapalapit ako?? o napaka komportable niya lang na tao kaya ganito kung makisama??
Kapag siya ang kaharap ko kaya niya akong pangitiin at patawanin eh at siya yung tipo ng tao na kahit lalaki di nauubusan ng topic yung tipong di niya hahayaan na lamunin ng awkward silence ang buong paligid.
"So Reverie ilan kayong magkakapatid??" getting to know each other na ba to??
"i have one older sister at kasama niya ngayon parents namin, ikaw may kapatid ka ba??"
"Only child lang ako" Anong feeling ng only child??
"Magtatagal ang usapan na to eh, may trabaho ka pa??" dahil kapag mag tatanong at magtatanong ako patuloy lang iikot yung kwento kaya baka mapagalitan siya.
"Wala na kaya sabay na tayo uuwi"
"Wala akong dalang sasakyan lakad nalang tayo tas kwentuhan??"
"Sure!!"
Niligpit lang namin yung pinagkainin ko at siya naman nag bihis na at kinuha yung gamit sa loob. Ng mag simula na kaming mag lakad dun na ako nag tanong.
"Anong feeling ng nag iisang anak?? Lahat ba ng attention nasayo??" curious ako eh dahil may ate ako kaya kailangang hatiin yung atensyon at mas gusto ko nga na wala palagi sa akin yung atensiyon.
"Anong feeling ng nag iisang anak?? Masaya na ewan minsan, at di lahat ng atensiyon nasaakin no. They're both busy sa business nila kaya nga napayagan na mamuhay ako mag isa eh. Ikaw is it okay ba na mag ka roon ng ate??"
"Yeah supper sinasalo niya lahat ng pagkakamali ko at isa siya sa mga naging kakampi ko sa lahat ng oras. She never leave me pero ngayon kailangan na talaga" nalulungkot ako dahil si ate ang nagiisang superwoman ko simula nung bata pa ako. Lahat ng pagkakamali ko siya ang nagaayos at di niya ako pinapahamak sa kahit anong bagay.
"Why?? Anong nangyari??"
" Nagkaroon siya ng cancer at walang makakagamot sakanya dito sa pilipinas kaya ayun dinala siya sa US ng mga magulang namin at dun rin naman kasi nagtatrabaho yung parents namin bilang nurse and doctor" nakakalungkot pero kailangang maging matatag
"Para sayo anong klase siyang ate?? I dont have one kasi kaya na cucurious ako HAHAHHA" he's so cute kapag tumatawa
"Mabait at sweet, siya yung tipo ng ate na magsasabi ng gumawa ka ng kasalanan at pagtatakpan kita, pumalpak ka at aayusin ko. For me she's the best ate in the world kahit alam ko naman na para sa iba meron din silang best ate"
"Swerte mo at nagkaroon ka ng ate. Dahil kapag only child ka depende lang yun sa parents kung makakakuha ka ng atensyon o hindi at kung mag karoon ka man ng kasalanan aakuin mo yun ng mag isa" tama siya ang hirap kapag walang kasangga sa lahat ng bagay
Di namin namalayan na nasa bahay na pala kami ng dahil sa pagchichismisan naming dalawa. Nagpaalam na siyang pumasok sa bahay niya at ganon din ako.
Di ko ma iwasang mapangiti ng dahil sa naganap ngayon araw.
"Abah abah!! di nag paramdam dahil may inaatupag!!"
"Bebs naman walang update?! Nagkita na pala kayo??"
"Bebs?? Ano yun date kaagad??"
Gulat akong nasa harapan na pala ng bahay ko yung mga kaibigan ko at talagang ang tataas pa ng mga boses baka narinig na sila, naku naman!!!