Chapter 6

961 Words
"Tangina mo bebs!!!" "Lodi na kita naunahan pa kami eh!!" "Wala bang chika diyan??" "Bebs!! wag kang fake friend!!" "Potah bebs mag kwento ka!!" "Hoy naman!!" Nasa loob na kami ng bahay pero ang iingay pa rin nila. Di na ata nasasawang sumigaw. "Sandali lang kase!!" sandali lang dahil di ko alam kung paano mag simula. "Ikwento mo na lahat!" "Lahat?" "Lahat lahat!!" sabay sabay pa silang nag sabi nun "Unang una inaamin ko ng may gusto ako sakanya...." nahihiya ko pang sabi dahil para sakin parang kinain ko na rin lahat ng mga pinagsasabi ko na di ako magkakagusto sa isang lalaki. "Congrats bebs pagpatuloy mo yan!!" isang sigaw na lang talaga masasampal ko na talaga tong si ash "Pangalawa di ko naman alam na siya pala yung bagong lipat na kapit bahay ko at siya kaya unang pumansin saakin" "Haba ng hair mo bebs!! anong shampoo mo??" panira talaga tong si nicole eh "Anong sunod??" curious na tanong no chelsey. Gusto ata malaman lahat eh "Kaninang umaga lang kami nag pansinan at yun binigyan niya ako ng ulam kasi nga mag isa lang daw siya na kakain at wala siyang kasama." "Masarap ba?? Bat di mo kami tinirahan!!" "Wag kang patay gutom ash!!" kailangan pa ba talagang mag tira para sakanila tsk "Bakit di ka nag update saamin??" parang nanay na tanong si chelsey "Kasi naman baka bigla bigla nalang kayong susulpot dito tas kakausapin siya, ako yung nahihiya kapag nangyari yun eh iba pa naman takbo ng mga utak niyo!!" yung kahihiyang ginagawa nila ako yung sumasalo dahil ang kakakapal ng mukha nila di tinatablan. "Oh bakit kayo magkasama kanina??" "Dun kasi siya nag tratrabaho sa cafe na pinuntahan natin kaya ininvite niya ako at nilibre. Sabay lang talaga yung pag uwi namin dahil nag kwentuhan pa kami. Okay na ba??" yun na rin kasi yung last kaya ayoko ng mag kwento dahil parang ako na mismo yung nahihiya kahit kaibigan ko pa yung nasa harapan ko. "Umamin ka ba bebs??" talagang nilapit pa ni nicole mukha niya sakin, sarap sakalin "Bakit naman ako aamin??" i mean ngayon lang kami ulit nag kita kaya bakit ako aamin kaagad?? Diba yung lalaki dapat umamin kapag may gusto sila sa isang babae?? at yung babae naman maghihintay na aamin sakanila yung taong gusto nila?? Iba na ba ngayon?? "Dahil may gusto ka sakanya!!" bakit sabay sabay talaga kung mag salita. Ok na sana kung napakahina ng boses eh kaso may sumisigaw pa talaga sakanila "eh ano naman kung may gusto ako sakanya??" "Tanga bebs edi umamin ka!!" "Wala tayo sa sinaunang panahon na lalaki pa yung lalapit sa babae no!!" " Tanga di ka maria clara at isa pa wag mong hintayin na maunahan ka!!" "Truelaley bebs baka aamin ka pa lang may naka una na sayo!!" Bigla naman akong napaisip sa sinabi nila. Kung hindi ako aamin ibig sabihin may dadating pa na iba na may gusto sakanya?? Paano naman kung aamin ako tas hindi niya pala ako gusto?? Edi masisira yung binubuo pa lang namin na pagkakaibigan. Di na niya ako papansinin o di kaya mapipilitan siyang ligawan ako at gustuhin ako kahit hindi naman talaga gusto edi parang ako na rin mismo yung sumaksak sa sarili ko nun. "Bahala na..." di porket gusto ko siya aamin na kaagad ako ng hindi ko manlang nakikilala yung totoong ugali niya, mahirap na "Bebs nasayo ang desisyon support na lang yung magagawa namin" buti pa si chelsey maaasahan na kausap eh yung dalawa pinagpipilitan pa talagang aamin ako. "Gabi na di pa kayo uuwi?" kapag ganitong oras kasi pinapauwi na silang tatlo. Strick parents nila kahit matatanda na sila. "Dito kami matutulog bebs!!" excited na sabi ni nicole kaya sige pagbigyan ngayon lang din naman eh "Bili na lang tayo ulam di pa kasi ako nakakaluto eh" at di pa ako nakakasaing dahil nga sa lumabas ako at ngayon lang naka uwi pero nakipag kwentuhan pa sa kaibigan ko Tatayo na sana ako dahil kukuha ako ng pera at lalabas ng biglang may kumatok sa pinto. Wala naman akong inaasahang bisita dahil ang mga bwesita ko nandito naman na sa loob. Tahimik na nagccp yung tatlo kaya ako na yung bumukas ng pinto at yun na nga si miko pala. "oh miko..." "Reverie....sabi mo pwede na ako mag chef kaya eto pinagluto kita" Pagkarinig ng mga kaibigan ko ng boses ni miko dali dali kaagad silang pumunta sa tabi ko at maki chismis "Nandito pala mga kaibigan mo..." nahihiyang sabi ni miko di ata inaasahan na may mga bwesita ako "Uyy ano yan may pahatid ng ulam ah!!" Kita mo Nakakahiya ka talaga nichole!! di ka man lang marunong mahiya juskooo "Pasok ka dali!!" inalalayan ni ashley at chelsey si miko na pumasok sa loob. No choice yung lalaki kungdi ang sumama at yung tingin niya sakin parang nakikiusap na pauwiin ko na siya Napasapo na lang ako sa noo ko dahil wala akong tiwala sa mga kaibigan ko pagdating kay miko. Baka kasi madulas at masabing may gusto ako kay miko, nakakahiya yun sobra. Dali dali na akong pumasok at baka ano pa ang ginagawa nila sa lalaking yun. "Anong pangalan mo??" ng iinterview ata to si ashley eh sisimulan sa pangalan tas itatanong sa huli kung may jowa ba o wala. Galawang ashley yan tsk. "Miko Ethriedge Sarmiento but you can call me miko" kung kanina parang ewan tong mukha ni miko ngayon parang bumalik na naman sa pagkafriendly. "May girlfriend ka??" walang hiyang tanong ni nicole "Nahh i dont have one HAHAHHA" sa gwapo niyang yan wala siyang jowa?? "Si Reverie Iris wala ring jowa!!" eto na yung sinasabi kong ayaw ko pagdating sa mga kaibigan ko eh!! unti unti ba naman akong nilalaglag "Hoy!! Bakit ako??!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD