Chapter 7

976 Words
Umaga na at kanina pa nakauwi yung mga kaibigan ko dahil tinawagan sila ng mga mommy nila. Buti na lang at hindi nila ako pinahiya kagabi, i mean di sila gumawa ng mga kahihiyan nila na ako yung sasalo. Pero bago sila umuwi binilinan muna nila ako na lagyan din ng landi yung katawan ko raw. Di ko alam kung ano ba yung mga sinasabi nila oo lang ako ng oo as if naman gagawin ko. Nagtitimpla ako ng kape ng makarecieve ako ng chat galing kay mommy akala ko nangangamusta kaso hindi eh. from:mommy Anak please pray for your ate. Update lang kita nak biglang lumala kalagayan ng ate mo. Please be safe there and i will call you kapag nag ka time ako. I love you Reverie. Nagulat ako sa narecieve ko dahil impossible na lumala yung sakit ni ate kasi last update nila unti unti ng gumagaling si ate at may chance na maka uwi na siya. to: mommy Always praying for ate, mommy. Please tell her that i love her and i really want to see her na. I love you more mommy please be safe there too. Nalulungkot ako ng sobra kaya ganito na lang kung makabusangot ang mukha ko. Gusto ko ng fresh air kaya sa labas ako nagkape habang ang daming iniisip. Nagfflashback na rin sa isipan ko yung mga dating memories namin ni ate na gusto naming gawin ulit, pero nakakalungkot lang dahil matatagalan pa pala ulit bago kami mag kita at maka bonding ulit. Pero di ako nawawalan ng pag asa dahil alam kong malakas si ate at kakayanin niya ang sakit na yun. Babalewalain niya lang yun kase alam niyang kaya niya at gagaling siya. "Penny for your thoughts??" nagulat ako sa nagsalita dahil akala ko kung sino si Miko lang pala na may hawak rin na kape. "Ngumiti ka naman nakabusangot ka eh. May problema ba??" dagdag niya pa "Handa ka bang makinig??" dahil kung hindi pwede na siyang umalis sa harapan ko at kakausapin ko mag isa sarili ko. "Oo naman kahit ano pa yan, but wait kukuha lang ako ng upuan" Kumuha nga siya ng upuan niya at iniharap sa upuan ko at bakod lang ang pagitan naming dalawa. Kinikilig ako di ko alam kung bakit eh wala naman siyang ginagawa para pa kiligin ako. "Simulan mo na makikinig ako" nakangiting sabi niya Pwede namang mag salita ng hindi naka ngiti eh. Nakakainis nakakadagdag sa kagwapuhan niya, mas lalong nakakainlab. "Last update ng mommy ko may chance na raw na maka uwi yung ate ko dahil magaling na siya..." "Oh yun naman pala eh dapat naka smile ka hindi yung naka busangot ka diyan na parang pasan mo yung mundo. You should be happy dahil makikita mo na ulit yung ate mo, sabi mo nga close kayo diba??" Kung ganitong lalaki lang rin naman ang kausap ko at gusto ko pa. Mas lalo lang akong mahuhulog sakanya. Handa siyang gawing positive yung negative eh. "Yes sobrang close. But i receive a message from my mom kanina lang sabi niya lumala daw yung sakit ni ate. Naguguluhan ako kasi okay na siya eh makakauwi na tas biglang lumala" Ramdam ko sa sarili ko na malapit ng tumulo ang mga luha ko kaya yumuko ako para di niya mahalata. "Wag kang mag alala, di ko masabing okay lang yan pero tandaan mo nandito lang ako at sasamahan kitang mag dasal palagi. Kakayanin ng ate mo yun dahil malakas siya at siyempre dahil alam niyang hinihintay siya ng baby sister niya" Napatawa niya ako sa baby sister na yun HAHAHHAHA yan din kasi yung tawag saakin ni ate eh "baby sister" "Thank you..." Nagpapasalamat ako dahil may taga kinig na saakin at may nagpapalakas ng loob ko. "Wag kang panghinaan ng loob Reverie. Be strong dahil kahit malayo ka sayo kumukuha ng lakas yung ate mo, alam kong gusto mo ng umiyak wag mo ng pigilan" Ganon na ba kahalata na kahit sa pagpigil ko ng luha alam niya. Sana alam din niyang may gusto ako sakanya no para hindi na ako yung aamin sakanya at siya na ang gumawa nun. Unti unting nababasa ng luha ang mga pisnge ko pero di ko parin pinapakita sakanya na umiiyak ako dahil nakayuko ako. Naririnig niyang umiiyak ako pero di niya nakikita ang pagdaloy ng mga luha ko. Hanggang sa naririnig kong may tumalon sa bakod kaya dun na ako napaangat ng tingin at sa isang iglap lang wala ng nakaharang saamin ni miko dahil mismong nasaharapan ko na siya. Ramdam kong niyakap niya ako kaya niyakap ko na rin siya pabalik at dun na umiyak sa mga balikat niya. "I can be your comfort person. You can cry to my shoulder and im willing to wipe your tears. Be strong for your ate, Reverie" Mas lalo mo lang akong pinapainlab eh Natawa ako sa naisip ko dahil di naman impossible yun. Kung ganito lang din naman ang mga pinapakita niya hindi malabong pagkagising ko sa umaga mahal ko na siya. Parang nawala yung dating ako na takot mag mahal dahil takot ring masaktan. Nawawala yung takot ko lalo na at napaka komportable ng taong gusto ko. "I want to make you happy today kaya mag bihis ka na at aalis tayo, you can call this friendship date HAHAHAHA" Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya pero tagos sa puso yung sinabi niyang friendship dahil pwede namang i upgrade yun para gawing lovers date. Sabi niya aalis kami kaya naligo ako at nag bihis ng simple na dress dahil di ko naman alam kung saan pupunta. Mapapapahiya na lang talaga ako kung naka short lang siya samantalang ako naka dress. Pagkalabas ko nandun na siya naka upo sa inuupuan ko kanina at buti na lang dahil formal din yung suot niya like pang date talaga. "lets go??"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD