Hila hila niya parin ako at di ko talaga alam kung saan kami pupunta.
"San tayo pupunta??" ilang beses ko ng tanong yan sakanya pero yung sagot niya palaging ngiti lang.
Ngayon ko lang to napuntahan tong lugar na to dahil di ako pamilyar sa dinadaanan namin pero iisa lang ang alam kong gagawin namin.
Magpipicnic kami dahil may dala dala siyang basket na puno ng pagkain at isang tela.
"Nandito na tayo..."nakangiting sabi niya kaya sinuklian ko din ang ngiting yun.
Siya yung tipo ng lalaki na palaging nakangiti kaya di talaga maiiwasan na may mahuhulog na isang babae sakanya at alam kong isa na ako dun.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid namin at talagang sobrang ganda dito. May nag iisang malaking puno at maraming bulaklak na nakapaligid. Perfect spot para sa magpipicnic.
"Nagustuhan mo ba Reverie??"
"Sobra! Sobrang ganda dito kaya sobrang gusto ko" lalo na at ikaw ang kasama ko
"Mabuti naman kung ganon, lika na mag aayos tayo ng pagkain"
Tinulungan ko siyang iayos yung tela at pati na rin yung mga pagkain. Nababagay yung damit namin sa lugar na to.
Para saakin di lang ito isang friendship date dahil para saakin Sobra pa ang ibig sabihin nun. Dahil mas lalo lang nitong pinapalala ang nararamdaman ko.
Bawat ngiti at tawa niya ay nagpapagaan ng loob ko bawat negatibong pag iisip na meron ako ginagawa niyang positibo at handa siyang makinig sa kahit anong problema na meron ako. Siya yung tipo ng lalaki na kayang kaya pakisamahan ng lahat and im so happy na isa ako sa nakakilala sakanya.
"Gusto mo bang malaman kung bakit kita dinala dito??" Napatingin naman ako sakanya ng dahil sa sinabi niya, bakit nga ba??
"Bakit?? Dahil espesyal ang lugar na to para sayo??"
"Hindi dahil para saakin nature can heal our wounds lalo na kapag tayo ay malungkot" tama naman siya dahil napangiti niya ako ng dinala niya ako dito.
"So palagi ka dito kapag malungkot ka??"
"Oo, kapag di ko na kaya yung mga nangyayari sa paligid ko kapag di ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko at kapag nalulungkot ako ng sobra dito ako nagpapalipas ng oras at dito rin humihilom ang lahat" Kung ganon sa likod ng mga ngiti at tawa niya may mga bagay rin pala siyang tinatago. Kagaya ng nasasaktan din pala siya at nalulungkot.
"Ngayon?? Malungkot ka ba??" Ramdam ang pagaalala sa boses ko ng itanong ko yun sakanya
"Sa totoo lang di ako namuhay mag isa dahil gusto ko lang kungdi dahil pinalayas ako..." yung kaninag mga ngiti niya nawala na at yung kaninang masiglang siya wala na rin at Ganon na rin ang gulat ko sa sinabi niya
"Gusto mo bang may mapagsabihan?? Handa akong makinig. Pero okay lang rin naman kung hindi mo sasabihin." Nasakanya na yun at nirerespeto ko siya.
Alam ko naman sa sarili ko na andito lang ako palagi sakanya, hinding hindi ko siya iiwan kahit iwan man siya ng lahat.
"Di ko sila sinunod. Di ko kinuha ang kurso na gusto nilang kunin ko, tumaliwas ako sa gusto nila...."
Di ako nag salita at hinintay ko lang na dugtungan niya pa yung sinabi niya.
"Di ako naging mabuting anak para sakanila dahil di ko sila sinunod. Ang gusto nila ipapamana saakin ang kompanya pero di naayon dun ang kurso ko dahil gusto ko maging doctor..."
"Gusto ko makuha ko yung pangarap ko, gustong gusto ko makita yung sarili ko na nakaputing coat na may nakasabit na stethoscope sa leeg dahil yung ang pangarap ko..."
"Pero nung nalaman nila yun nagalit sila. Wala raw akong kwentang anak dahil di ko man lang sila sinunod sana raw may kapatid ako na siyang mag bibigay ng lahat ng gusto nila. Dinamdam ko yun pero nilakasan ko ang loob ko dahil walang mangyayari kung magpapakahina ako sa harapan nila..."
"Gusto kong ipakita sakanila na tama ang desisyon ko na kayang kaya kong maging doctor at yun ang magbibigay ng magandang buhay saakin pero mas lalo lang nun pinasama ang loob nila..."
"Galing ako nun sa klase sobrang saya ko nun dahil ako yung nangunguna sa klase, gusto kong ipagmalaki ang gradong nakuha ko pero pagkaapak ko pa lang ng bahay namin lumilipad na yung mga gamit ko..."
"Pabigat at walang kwentang anak ang palagi nilang sinasabi saakin. Pinagsarhan ako ng bahay at yun walang atm walang kotse wala lahat ang natira lang talaga saakin mga ipon ko na kasya sa bahay na kinuha ko, yung bahay na malapit sayo..."
"Kaya eto napagpasiyahan ko na mamuhay mag isa at tuparin ang pangarap ko ng mag isa at ipakita sakanila na kahit kailan di mali ang desisyon at kursong tinahak ko..."
Napabilib niya ako sa mga sinasabi niya. Muntik ng tumulo ang mga luha ko kaso pinigilan ko kakahiya naman kung umiyak ako sa harapan niya.
"Susuportahan kita kahit anong mangyari..." Yan lang ang nasabi ko at yun na naman ang mga ngiti niyang matamis.
"Salamat at nandyan ka para makinig saakin, tara ikain nalang natin to"
Kinain na naman ang lahat ng mga dala namin at nag habulan na rin. Nagpalipas ng oras hanggang sa mapagpasiyahan na umuwi na dahil may trabaho pa siya.
Nag lakad lang kami ulit nung pauwi at nag aasaran na parang bata sa kalye.
Para saakin isa ito sa pinakamasayang araw ko dahil siya ang kasama ko at siya ang dahilan kung bakit ito naging masaya.
Pagkarating namin sa bahay nagulat ako ng may biglang yumakap kay miko. Kaya ganon na lang kung masaktan yung puso ko, alam kong nasaktan dahil kumirot ito mismo.
"I miss you Miko!!!!!"