Gulat ako sa nakita ko pero mas nagulat ako nung yumakap pabalik sakanya si miko. Naguguluhan ako dahil ang sabi niya wala siyang kapatid at wala siyang girlfriend, pero sino yung babae??
Cousin ganon??
Magsasalita na sana ako ng maramdaman kong hinila ako, akala ko kung sino yung tatlo lang pala. Hinihila nila ako papasok ng bahay habang yung mga paningin ko di maalis kina miko at sa babaeng yun.
"Okay ka lang bebs??" nagaalalang tanong ni chelsey na hinihintay naman ng dalawa na sagutin ko.
"Bakit naman hindi??"
"Tanga bebs nakita mo yung taong gusto mo may kayakapan?? Di ka nasaktan??" nasasaktan nga ba ako?? May karapatan ba akong masaktan kung ang tingin nga lang sakin ay kaibigan??
"Nicole di nga ako nasasaktan dahil wala akong karapatan" kahit nga yung friendship na sinasabi walang kompirmasyon eh.
"Gusto mong umiyak bebs?? Nandito lang kami." Pagkasabi ng ganon ni Ashley bigla na lang nag unahan ang mga luha ko.
Iyak lang ako ng iyak sa harapan nilang tatlo habang sila walang sinasabi. Ginusto ko naman to eh, yung magustuhan at unti unti siyang mahalin ng palihim.
Alam ko rin sa sarili ko na yung iniiwasan ko na masaktan ay mararamdaman at mararamdaman ko parin. At handa naman ako dun ah, kung siya naman ang dahilan.
"Bebs malay mo friend lang yun o di kaya pinsan"
"Truelaley bebs dahil sabi niya nga diba he's single at walang kapatid" pagsegunda naman ni ashley.
Kung ganon bakit ganito na lang kung masaktan yung damdamin ko?? Di ba marunong makiramdam ang puso ko kung ka ano ano niya ba yung babae??
"Alam mo mas mabuti pang i inom na lang natin yan!!" Pagkasigaw nun ni nicole may inilabas siyang alak sa likuran niya. Di ko alam na ready pala tong tatlo sa inuman.
"Mag halo ka na diyan mag bibihis lang ako"
Naka dress pa kasi ako dahil galing nga kami sa picnic kaya nag bihis ako ng pambahay lang at para komportable ako mamaya sa inuman.
Pagkalabas ko nakahanda na sila sa sala. May mga pulutan na rin na nandun. Basta inuman alam kong si nicole ang palaging handa kaya alam kong siya ang may pinakamalaking ambag dito.
"Bebs dahil ikaw yung broken sayo yung first shot!!" anong broken na pinagsasabi neto ??
"Hoy tanga di ako broken!!"
di nga ako broken pero kinuha ko naman yung baso at ako yung unang uminom.
"Bebs isa pa kulang yun sayo eh!!" ng uumpisa ng manguto si ashley. Pero nagpauto rin naman ako.
Nasa kalagitnaan na kami ng inuman ng nagsasayaw na yung dalawa sa harap. Napaaga yata inuman namin dahil nasa 2pm pa lang.
Ako at si chelsey na lang yung natitirang naka upo dahil mga baliw na yung dalawa na halatang nagpapatawa kaya kinuhanan ng video ni chelsey para ipakita yung kabuangan nila bukas.
"Ay bebs kakantahan ka namin!!"
di ako umoo at di rin ako humindi kaya nag antay nalang ako sa kung anong kakantahin nila para saakin.
"Bakit nga ba mahal kita!! Kahit di pinapansin ang damdamin ko!"
"Di mo man ako mahal heto parin ako nagmamahal ng tapat sayo!!"
"Bakit nga ba mahal kita!! Kahit na may mahal ka ng iba!!"
"Bat baliw na baliw ako sayo, hanggang kailan ako mag titiis!!"
"o bakit nga ba... mahal kita...."
Nakakatangina naman tong dalawa eh. Akala ko pampasigla yung kakantahin tas papaiyakin lang din pala ako.
Alam naman nilang mababaw yung luha ko eh tsk!!
"Wag umiyak bebs!! Papangit ka!!"
"Nandito lang naman kami eh!!"
"Truelaley gusto mo abangan pa namin yung babae sa kanto eh!!"
"Gusto mo yun bebs??"
Poteks nakisali pa sakanila si chelsey. Mga lasing na nga talaga
"Wag na uminom na lang tayo!!"
Sinunod naman nila kaagad yung sinabi ko kaya ayun tulog silang tatlo dahil di man lang ako naka inom sa sunod sunod na shots nila.
Iniwan ko na lang silang tatlo sa sofa at naisipang lumabas na sana di ko ginawa.
Nakita ko kasing papasok ng sasakyan si miko kasama yung babaeng kayakapan niya kanina. Siguro may pupuntahan sila.
Padilim na rin kaya na isipan kong umupo sa damuhan at magpahangin. Ang daming pumapasok sa isip ko.
Kagaya nalang ng kung ano yung nakikita ko kanina. Ang daming tanong sa isipan ko na di ko naman alam kung ano yung isasagot ko.
"May gusto ba siya sa babaeng yun??"
"May chance ba na maging kami kapag umamin ako??"
"Makakaya ko kayang dalhin ang sakit na nararamdaman ko oras na malaman kong may gusto siya sa babaeng yun??".
"Makakaya ko kayang masaktan ng palihim??"
"Makakaya ko kayang makita siyang masaya kasama yung iba??"
"Makakaya ko kayang suportahan siya para sa babaeng gusto niya habang ako ay nasasaktan??
"Makakaya ko kayang magpakatanga at humabol sakanya??"
Lahat ng yun ay tanong ko dahil di ko alam kung kakayanin ko. Para saakin isa lang akong mahinang babae na ayaw masaktan pero tumaya sa pag ibig.
Tumaya nga ako sa pag ibig eh, dapat handa ako sa mga mangyayari, handa na dapat akong masaktan kung sakali at handa na dapat akong tanggapin sa kung ano man ang magiging huli.
Pero hindi, at hindi ko alam kung kailan nga ba ako magiging handa.
Ng makaramdam na ako ng antok dun ko na naisipan na pumasok sa loob at linisin ang mga kalat namin. Nakakatawa lang na kahit sa pag linis ko siya pa rin yung laman ng isip ko hanggang sa kumutan ko yung mga kaibigan ko di pa rin siya nawawala at hanggang sa pag higa at pag pikit ko ng mga mata Si miko pa rin ang laman ng isip ko.
Why everytime i show love i get pain from it??