Ako yung naunang magising saaming apat dahil lasing na lasing yung tatlo, pano ba naman di malasing eh nagising ng 9pm at nag aya ulit ng inuman.
Kakagising ko pa lang pero siya na rin kaagad yung laman ng isip ko, ewan ba bat di nalang lumayas ng kusa. Nag timpla ako ng kape at dun na naman ulit pumwesto sa dati kong inuupuan na malapit sa bakod ng bahay niya.
Di pa pala tuluyang inagaw ng araw ang buwan pero nagising na kaagad ako at nandito na sa bakuran naghihintay na lalabas siya.
Ang tanong nasa loob ba siya?? Nakauwi ba siya??
Dahil ang alam ko kahapon umalis siya kasama yung babae, kaya di ako sure kung nanjan na siya sa bahay niya.
Nakatulala lang ako sa hangin habang ang daming iniisip ng may biglang gumulo ng buhok ko kaya nagulat ako.
"Tulalang tulala ahh ang daming iniisip" si miko lang pala
Ang gwapo niya, di ko alam pero yan ang pumasok sa isip ko eh palagi ko lang din naman siyang nakikita. I mean alam ko naman na gwapo siya.
"Ahh.. wala to" walo to dahil nasa harapan na kita.
"Pwedeng umupo??" Tumango lang ako sakanya at siyempre di pwedeng tumanggi no. Tinalon niya yung bakod sa pagitan namin tas umupo siya sa harapan ko at tinignan ako ng diretso sa mukha kaya ako na rin ang napaiwas.
Kikiligin ako kapag di ako umiwas.
"May tanong ako"
"Ano yun??" kung tatanongin mo kung may gusto ba ako, pangalan mo kaagad sagot ko.
"Alam mo na buong pangalan ko diba?? Pwedeng malaman buong pangalan mo??" Pangalan ko lang pala, ano to getting to know each other?? Mag assume na sana ako na ganon kung di ko lang naisip yung girl eh.
"Nalimutan ko na buong pangalan mo pero Reverie Iris Xaviera ang buong pangalan ko" Totoong nalimutan ko na yung pangalan niya dahil nung sinabi niya yun parang ang hirap bigkasin nung second name niya.
"Ay fake friend di mo na matandaan full name ko??Ganda pa naman ng pangalan mo." anong connect??
Kung maganda ba pangalan ko bagay ba sa pangalan mo?? Yan ang gusto kong sabihin sakanya kaso meron pang konting hiya sa katawan ko eh.
"Sabihin mo nalang ulit tas tatandaan ko na promise" di ko lang tatandaan dahil isusulat ko narin sa puso ko.
"Miko Ethriedge Sarmiento" hmm... bagay nga sa pangalan ko
Reverie Iris Xaviera Sarmiento?? Nice!
Nakakabuang yung iniisip ko kaya natawa ma lang ako na nagpakunot ng nuo niya.
"Tinatawanan mo pangalan ko??" oh shitt
"Hindi may naisip lang ako, sorry"
"Ano naman yun?? Share mo dali!" excited pa naman sana siyang makinig kaso ayokong sabihin.
"Wag na akin na lang yun."
"Damot mo!" Sana kaya rin kitang ipagdamot...
"Girlfriend mo yun?? Yung girl na yumakap sayo..." di ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para maitanong yun sakanya
"Girl best friend ko since i was in Grade 3 pero...sana HAHAHAH" sana na ano??
"Sana??" nakakatakot naman tong pagkukumpirma ko. Ako yung masasaktan eh
"Sana girlfriend ko siya HAHAHA" Di ako nakapagsalita. Ang sakit naman nun.
"She's the only girl that i love since we become friends. She become my safe place, my comfort person. I never knew i needed someone like her because i've always chosen to be alone." Bakit sobra na yung sakit?? Ako yung nag tanong dapat ako yung handa sa maari niyang sagot. Ang sakit sakit pala no kapag nag kwento yung taong mahal mo o gusto mo tungkol sa taong gusto rin nila.
"You really like her??" tanong ko sakanya gamit ang mahina kong boses.
"I dont like her cause i love her. She knows my bad side and she always understood me, she even listening to my nonsense rants sometimes and being there when im moody. There's no reason to like her cause i have more reason to love her." Too much pain but i can still handle not just because i want to listening to him but because i want to be with him today.
"Did you confess?? your feelings??" pinapakita ko sakanyang interesado ako kahit ang totoo ay ayoko ng makinig dahil nasasaktan na ako.
"No, hindi pa dahil mag hihintay ako ng tamang panahon para sa aming dalawa" ibig sabihin lang nun sure na sure siya sa babaeng yun??
"What's her name?? What's the name of that lucky girl?? " i really want to know her name. Ang swerte niya dahil may taong nag mamahal sakanya ng palihim habang ako eto nag mamahal din ng palihim sa taong nag hihintay sakaniya.
"Czarina Samantha Lim thats her name, beautiful like her right??"
"Yeah..." so shes the lucky girl?? I envy her.
"Takot ka bang mawala siya sayo??" kase kung hindi ka takot, pwede mo naman siyang iwala at ako ang papalit.
"Sobra, i cant imagine my life without her, for me she's my world and my universe without her my life is so miserable."
"Sana may taong ganyan din yung nararamdaman saakin no??" at sana ikaw yun, pero impossible na meron kanang siya eh.
"Dadating at dadating din ang taong yan, mag hintay ka lang. Uwi na ko may duty pa ako mamaya eh..."
"Byeee"
Pagkaalis niya dun na rin kaagad nag si labasan ang mga luha ko. Ang sakit pala no kapag yung mismong taong gusto mo ang kwekwento ng taong gusto rin nila.
Kaya ko kayang maging desperada?? Tipong aamin ako sakanya at aagawin ko siya sa babae kahit ang totoo siya naman ang may gusto sa babae.
Kaya ko kayang gumawa ng kasalanan maging akin lang ang lalaking yun??
I want to be that person he scared to lose....