Chapter 11

955 Words
"What if im just the girl he wants to talk to and not the girl he would risk anything for??" Niiyak kong sabi sa tatlong kaibigan ko. Hanggang ngayon nandito pa rin silang tatlo at magtatagal pa sila dito. Walang mga magulang eh on vacation daw kaya free na free silang matulog dito. "Anong what if bebs?? Eh ganon naman talaga rule mo sa buhay niya!" Di ko mapagsalitaan si nicole dahil totoo naman yung sinabi niya. Di ko alam kung mababago pa yun dahil di ko naman alam kung kaya ko bang maging desperada. "Bebs nakita ko to sa sss and i think isa dito yang pag ibig mo na yan... Math tells us three of the saddest love story" Nakuha naman kaagad ni chelsey ang attention ko kaya mas pinili kong makinig sakanya at itigil muna ang pag iyak ko. " Tangent. The line that had one chance meet then parted forever. Parallel lines that will never meant to meet and the last is Asymptotes lines who can get close and close but it will never be together. The story that you have is Asymptotes cause you and him can get closer and closer as a friend and it will never ended forever but not the love that will end as soon as time passed Cause you and him will never be together." Should i accept that fact?? Wala ngang love saamin eh. Friendship meron pero walang pagmamahal dun. " Too hard to accept that fact..." sa sobrang hirap napaiyak na lang ulit ako sa harap nilang tatlo. "But you have to..." ayoko. "Ang hirap di ko kaya..." "Di naman kase minamadali yun eh." at di ko naman hinihiling na matanggap ang bagay na alam kong mag bibigay ng sobrang sakit saakin. Kapag ba mag mahal kailangan nasasaktan?? Required ba yun?? Kasi kung oo ayoko nang mag mahal ulit. "marami pang lalaki sa mundo, tahan na bebs..." "Maraming lalaki nga pero siya yung ginusto ko at minahal ko..." Siya lang ang nakakuha ng atensyon ko. Siya lang ang nakasira ng pangako kong unahing mahalin ang sarili ko. Siya ang ang nag iisang lalaki na palaging pumapasok sa isip ko. "Anong plano mo??" planong pinagsasabi ng babaeng to?? "Wala akong plano ash." "I mean magiging desperada na ba ang kaibigan namin??" di ko nakikita ang sarili ko na maging ganiyan ng dahil lang sa pag ibig. "Ayaw ko maging ganon. Di ko pipiliin na maging desperada mahalin lang ng lalaking mahal ko." Kung talagang mahal niya yun at kung saan siya masaya hahayaan ko siya total di niya rin naman alam ang totoong nararamdaman ko eh, basta hayaan lang ako nilang mahalin siya ng palihim kahit nasa malayo ako, kahit hanggang tingin lang ako. "Iiwas ka na ba sakanya??" wala sa plano ko ang umiwas. Mas mahihirapan ako kapag hindi ko siya nakikita. "Ayokong umiwas, mahihirapan akong umiwas" "Edi mas lalo kang masasaktan nun bebs" sabi naman ni chelsey pero para saakin okay lang. Dahil ang mahalaga sa akin ngayon ang makita at makausap siya at isa pa di naman sigurado kung magugustuhan din siya ng babae diba?? "Bahala na..gusto ko siyang makita ngayon..." gustong gusto ko. Kahit sa malayo o sa malapit gusto ko siyang makita. "Saan naman natin hahanapin si miko?? Kahit nasasaktan gusto pa ring makita??" "Di niya naman kasalanan kung bakit ako nasasaktan eh gusto ko siyang makita dahil yun ang gusto ng puso ko..." di nila ako mapipigilin pupuntahan ko si miko kahit mag isa lang ako. "San mo naman makikita yung lalaking yun??Ha??" sabi niya kanina may duty siya eh kaya alam ko na kung saan. "Sa cafe na malapit dito, dun siya nag tratrabaho." "Oh edi tara na sasamahan ka namin dahil baka umiyak ka dun walang magpupunas ng mga luha mo." Minsan gusto kong isumpa yung mga kaibigan ko pero ngayon laking pasalamat ko na nandito sila sa tabi ko. Handa silang samahan ako sa lahat, handa silang punasan at patahanin ako kapag umiiyak ako at handa rin silang mag saya kapag nagsasaya ako. Laking pasalamat ko at nakilala ko sila. Nag kotse na kami papunta sa cafe dahil kahit malapit lang ayaw nilang mag lakad, tinatamad daw sila. Pagkarating namin dun sa cafe hindi si miko yung nasa counter kaya pinuntahan ni chelsey at nicole yung babae na nandun para tanungin kung nasaan si miko. Baka break time niya kaya hindi siya yung nasa counter. "Ayaw sagutin ng babae eh kaya umorder na lang rin kami. Hanap na lang muna tayo ng upuan tas hintayin natin baka nasa loob lang." Humanap na nga kami ng upuan pero yung mga mata ko nag lilibot libot na hindi dahil ang ganda ng paligid kungdi dahil may hinahanap. Dumating na yung drinks namin pero wala pa ring miko na lumalabas o nagpapakita hanggang sa naubos na namin yun at naisipan na mag libot dahil parang may garden ang lugar na to. Bawat sulok ng garden di nawawala ang pagkuha ng mga litrato ng kaibigan ko kaya mas nagtatagal kami bago malibot ang lahat. Nang nasa kalagitnaan na kami ng paglilibot may nakita akong dalawang tao na nasa swing. Di ko alam kung sino yun kaya nilapitan ko. At yun na nga nung narinig ko ang tawa nung lalaki dun ko na kaagad nakilala yung boses. Boses yun ni Miko at ang babaeng kasama niya ay si Czarina. Ang saya saya nila habang ang mga mata ko namamasa na naman, nalulungkot at nasasaktan. "Bebs umaano ka diyan??" "Sino tinitignan mo diyan bebs?? "Hoyy??" "Uwi na tayo..." yan lang ang nasabi ko sakanila kaya naguluhan kaagad sila sa inasta ko dahil ang alam nila gusto kong makita si miko. Nakita ko naman na eh... masaya kasama ang babaeng mahal niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD