"Bebs tama na yan!!"
"Reverie ano ba!!"
"Tigil na nga sabi eh!!"
"Reverie Iris!! Makinig ka naman!!
"Bebs naman oh...Sabihin mo kase saamin bat ka nagkakaganyan.."
"Reverie!!!" Sigaw ni chelsey na may kasamang sampal.
"Problema mo ba Reverie??" Tanong niya pa saakin at alam kong galit na galit na siya.
"Uwi na tayo..."
Nasa bar kasi kami di ko alam ako yung nagdrive ng sasakyan eh at dito ako dinala ng sarili ko. Gusto kong uminom pero ngayon gusto ko namang umuwi.
"Please lang Reverie tell us what happened.." ayoko, pati sila nadadamay na ng dahil lang sa nasasaktan ako.
Di ko alam na habang na sasaktan ako may mga taong pinipwerwisyo ko, inaabala ko.
"Wala to..."
"Bebs di ka magkakaganyan kung wala lang..." Sabi naman ni nicole na sinabayan ng tango ni ashley
Nakalimutan ko kilalang kilala na pala nila ako. At alam din nilang nasasaktan ako kaya ako nagkakaganito pero sila mismo ang humihingi ng kompirmasyon sa aakin.
"I saw him...with Czarina...Hes so happy and i cant accept the fact that im not that girl..."
"It will never be easy for me....seeing him with the girl he loves.... "
Kahit di ko siya pagmamay ari kahit hindi siya naging akin kahit hindi niya alam kung ano ba yung nararamdaman ko. Nasasaktan pa rin ako, nadudurog ako.
Sobra sobra na ang luhang na ilabas ko, sukong suko na ako, nagmahal lang naman kasi ako pero kung masaktan naman wagas.
Wala man lang akong magawa para mahalin niya ako pabalik dahil hindi ako desperadang tao para sirain ang taong mahal niya maangkin lang siya, di ko kayang makitang may masaktan para lang maging masaya ako. I cant be selfish just for my own happiness.
"Nalala mo yung sinabi ni nicole na Kapag nasaktan ka ibig sabihin lang nun nag mahal ka. At yang pagmamahal mo sobra sobra kaya ka nagkakaganyan."
"Soon pero hindi man sa ngayon, may isang taong dadating sa buhay mo at ipaparamdam sayo ang pagmamahal na ibinigay mo kay miko ng palihim. Masusuklian din lahat ng sakit na nararamdam mo at dahil mahal mo handa kang masaktan kahit ano pang mangyari.
Alam kong pagpapakatanga na ang tawag dito pero wala eh tanga ako kaya tanggapin nalang nila kung ano ba talaga ako.
First time ko mag ka gusto eh, first time ko rin mag mahal at first time ko ring masaktan at alam ko na sa susunod may second time naman. At sana sa second time na masaktan ako handa ako at kayang kaya ko hindi yung ganito ako...sobrang hina, para akong plastik na ang bilis punitin ng dahil lang sa hindi na ako matatag.
"Gusto ko ng umuwi...gusto ko ng magpahinga.."
Sinunod naman nila kaagad yung sinabi ko. Si Chelsey na yung nag drive at ako naman nasa likuran lang naka upo at naka tingin sa daan habang yung mga luha nagsipatakan na naman.
Pagkarating sa bahay na una akong pumasok sa kwarto, iniwan kong bukas dahil magagalit sila kung ilolock ko.
Di ko alam pero parang pagod na pagod ako, napakahina ng katawan ko na di ko na magawa pang linisin dahil humiga na lang kaagad ako sa kama.
Yung mga luha ko di parin tumitigil kaya napayakap na lang ako sa unan ko at umiyak ng palahim, ng mahina.
Naramdamam kong may papasok sa kwarto kaya agad kong pinunasan ang luha ko hanggang sa may naramdaman akong yumayakap saakin. Sa amoy niya palang alam kong si Chelsey na to.
"Reverie alam mo ba na kapag nasasaktan ako sa mga nakarelationship ko na may sinasabi ako sa sarili ko..." di ako nag salita at hinayaan ko lang siya na dugtungan ang sinabi niya.
"When i get hurt by loving someone i always say to myself that its better to just let things be, let people go, dont fight for closure, dont ask for explanations, dont chase answers, and dont expect people to understand where you're coming from. I got to keep fighting for myself because no one got me, like i got myself. I know i have you and ashley and nicole but im the one who knows me better."
"You have to remember that too Reverie, just let things be and move on and it depends on you if you want your friendship with him will last longer or you will break that friendship"
"Things is so complicated, nagmahal ka lang yan ang tandaan mo... We got you always pero sa ngayon mag pahinga ka na at alamin mo kung paano pahihilumin ang sakit na nararamdaman mo. We always love you kung walang nagmamahal sayo, hayaan mo kaming mahalin ka..."
She kissed my forehead bago umalis. Dun na ako umiyak ng todo kasi sobra sobra yung pagmamahal na nakukuha ko sakanila.
I feel blessed because i have them. And i cant imagine my life without my friends who always got my back.
Pero sa ngayon di ko alam kung paano iisipin kung paano humilom ang sakit na nararamdaman ko dahil ang gusto kong gawin ay magpakatanga kahit sobra sobra na.
Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog kahit siya pa rin ang laman ng isipan ko.
Pagkagising ko kinaumagahan nag kape kaagad ako at ewan ko ba nakasanayan ko na na dito pumwesto palagi malapit sa bakod niya.
Busy ako sa panunuod ng sunrise ng bigla kong maramdaman ang presensya niya.
"Reverie!!! I have a good news!! Pinayagan niya na akong ligawan siya!" He's so happy and im happy for him
Ayoko ng ilaban dahil alam kong may nanalo na, hahayaan ko nalang ang sarili kong suportahan siya at magpakatanga....pero di talaga ako lalaban.
"Good for you.." yan lang ang tanging na sabi ko at umalis na