They say ignoring is the best way to pretend that you are not affected from things that hurt you secretly.
Kaya eto pilit kong iniiwasan ang taong mahal ko, pero di ko alam kung hanggang saan o hanggang kailan ba ang pag iiwas na to.
"Iisipin ko na sana na ang layo ng tingin mo kaso nakatuon pala sa dalawa ang mga mata mo." Gulat ako, akala ko kung sino ang nag salita si Ashley lang pala.
"Alam mong masasaktan ka pero tinitignan mo pa, tapang mo bebs"
"Ang tapang ko pag sa malayo pero aminin mo ash ang hina ko pag sa malapitan"
"Ang saya saya nilang dalawa no?? Habang ikaw palihim na nasasaktan." Durog na durog na nga ako eh, di ko alam kung maayos pa ba to para kasing nawasak na tas ang hirap ng buoin kaya nag desisyon na lang na mag pakatanga.
"Minsan ba bebs tinatanong mo sa sarili mo kung bakit ka nasasaktan ng ganyan??" Kasi mahal ko siya??
"Bakit ka nga ba nasasaktan ng ganyan Reverie??" tanong niya pa ulit na parang inayos lang yung naunang tinanong niya..
"Maybe its because i love him too much, and this too much is the reason why i hurt so much...." may gamot ba dun?? Sana meron no yung tipong isang tableta lang yung iinumin ko maghihilom na ang lahat.
"Lalapit ka pa ba kung alam mong masasaktan ka?? Alam mo para ka lang naka apak sa patalim eh, habang naglalakad ka sa ibabaw ng patilim papunta sa kanya patuloy kang magdurugo, patuloy kang masasaktan pero tinitiis mo kasi gusto mong puntahan ang dulo nun kung nasaan siya. Minsan ka lang mag mahal Rev pero wakas, ikaw ang nagpapakita saaming tatlo kung ano nga ba ang totoong pag mamahal." Ako nga ba?? Ako nga ba ang nagapapakita sakanila kung ano ang totoong pag mamahal?? Pagmamahal ba ang masaktan??
Ang saya saya nila, naglalaro ng habulan habang nagtatampisaw sa ulan. Yan ang isa sa pangarap kong gawin ng taong mahal ko, pero ginawa niya sa taong mahal niya.
"Oo ash lalapit at lalapit pa rin ako kahit patuloy lang akong nasasaktan pero sa ngayon iiwas muna ako. Hindi ako yung nagpapakita kung ano ang totoong pagmamahal ash.... Dahil di naman natin alam kung ano nga ba ang totoong pagmamahal..."
Yun ang totoo ni minsan di natin alam kung ano nga ba ang totoong pagmamahal. Dahil para sa atin meron tayong sariling definition ng pagmamahal.
"Di nga natin alam kung ano nga ba ang pagmamahal na yan pero kasi Rev kinaya mong masaktan maging masaya lang ang taong mahal mo. Kakayanin mong lumapit sakaniya kahit nasasaktan kana, kahit nakikita mo siyang masaya na sa iba, At kakayanin mong kausapin siya maging parte lang ng araw mo. Handa kang masaktan at kontento kana na mahalin siya kahit sa malayuan. Kayang kaya mong sirain ang kung anong meron sila makuha mo lang si miko pero di mo magawa. Kaya kahit hindi man namin sabihin bilib na bilib kami sayo.... ang tatag mo kahit patuloy kang nasasaktan" Matatag ako sa paningin niyo pero ang totoo lang niyan napaka rupok ko na napakahina ko na...kinakaya ko lang.
"Alam mo ba na tayo raw mismo ang gumagawa ng tadhana natin. Kasi choice na natin kung ano yung mangyayari. Kung pipiliin ba natin na magpakatanga ibig sabihin lang nun nakatadhana tayong magpakatanga at kung pipiliin man natin maging desperada ibig sabihin lang din nun nakatadhana tayong maging desperada. Tayo mismo ang gumagawa ng desisyon pero tadhana ang palagi nating sinisisi na dapat ay yung sarili natin..." Ibig sabihin ba nun umpisahan ko na ba ang tadhanang nararapat saaming dalawa??
Should i confess my feelings??
or
Should i just let go of this feeling??
Dalawa na nga lang yung pagpipilian, nahihirapan pa kong pumili.
"Hayaan mo ash sa susunod na araw o buwan ako na mismo ang gagawa ng sariling tadhana na nararapat saaming dalawa..."
"Kung ano man yang pinaplano mo o laman ng isip mo tandaan mo lang na nandito lang kami palagi para sayo, di ka namin iiwan lalo na at kailangan mo kami.... Mananatili kami para sayo Bebs."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis siya kaagad habang ako naman ay di parin nakaalis sa pwesto ko kung saan kitang kita ko silang dalawa.
Aalamin ko muna sa sarili ko kung hanggang kailan ba ako mag papanggap o hanggang kailan ko siya kayang iwasan.
Nakita ko na lang yung sarili ko na nasa harapan ng pintuan namin at handang handa ng lumabas.
Di ko alam kung bakit gusto kong lumabas, oo masarap maligo sa ulan lalo na kung may kasama ka sana.
"Reverie!!" sigaw ni miko pero di ko siya tinignan, di ko siya tinapunan ng tingin kahit ilang segundo lang.
Nagkunwari akong may kinuha sa gilid ng bahay para naman di ako mapahiya kahit papaano.
Kinuha ko lahat ng mga basura sa gilid atsaka nagaastang ilalagay sa basurahan malapit sa pwesto nila.
Kahit nasasaktan lapit lang ng lapit, mahal mo eh.
"Uyy Reverie!! Meet Czarina my future girlfriend HAHHAHA" Ayoko sanang lingunin kaso ako na yung mamapahiya dun dahil pinakilala na niya eh
Ang ganda ng ngiti ng babae saakin kaya nginitian ko rin siya, halatang ang bait niya at maganda siya kaya siguro na gustuhan siya ni miko.
"Hi Czarina..."
"Hi, Reverie right??"
"Yeahh..."
"Nice to see you, ang sarap maligo sa ulan no?? HAHAHAH" Ang saya saya nilang dalawa.
At di ko na kayang tignan pa yun kaya ako na yung umiwas, pumasok ako sa bahay ng di nagpaalam sa kanilang dalawa at ang mga yakap kaagad ng mga kaibigan ko ang sumalubong saakin.