Chapter 14

945 Words
Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin ako sa pag iwas kay miko at Czarina. Kung saan sila pupunta ako na ang umiiwas kaagad wag lang silang salubungin. At kung sakaling nagharapan man ang ikli palagi ng pagbati ko sakanila. Sana kayanin ko hanggang sa huli, sana mag tagal pa tong pagpapanggap ko at sana mag tagal pa tong pag iwas ko kay miko. Umiwas man ako o lumapit sakanya ganon pa rin naman eh patuloy pa rin akong nagmamahal at nasasaktan. Pero sa ngayon pipiliin ko munang umiwas at mag kunwaring walang nangyayari....mag kunwaring hindi ako nasasaktan. "Bebs Alis na kami..." alis?? Eh sabi nila magtatagal sila ng months dito dahil pinayagan sila. "Uuwi na kayo??" "Hindi bebs nag set ng date yung mga nanliligaw saaming tatlo" at dahil ako lang yung walang manliligaw ako yung maiiwan dito?? ganon ba yun?? "Sama ka Reverie??" tanong saakin ni chelsey, eh mag aano naman ako dun?? Tutunganga sakanila?? Tas mainggit? "Wag na matutulog na lang ako!" ganito ang mga ginagawa ng mga walang jowa natutulog. "Sleep well bebs, alis na talaga kami!!" Lumayas kayo!! kahit magtanan na kayong tatlo tsk. Sabi ko kanina matutulog ako nung pag alis nilang tatlo pero eto ako ngayon naka harap na naman sa bintana habang nakatanaw sa dalawang nagtatawanan habang nag uusap. Merong kirot at inggit akong nararamdaman pero di ko na alam kung paano pa yun aalisin kaya umupo na lang ako sa sofa at nag isip ng mga impossibleng mangyayari. Naisip ko lang yung sana pag pwede na, pwede pa na yung tipong hindi magiging sila ni Czarina kaya kapag pwede na sana pwede pang maging kami na sana magkaroon ng chance saaming dalawa. Kaso meron din sa isip ko na nagsasabing Kahit pwede na, ayoko na. Kahit pwede ng maging kami na kahit may chance na ayoko na kasi unang una di naman talaga ako yung totoong mahal niya eh. Kung sakaling mawala man sakaniya si Czarina di ibig sabihin nun mawawala din yung nararamdaman niya kaya yun naghahati sa dalawa ang isip ko kahit ang totoo ni isa dun walang mangyayari. Kase nga napaka impossible na...pero di impossibleng masaktan ako. Naka ilang ikot na ako sa buong bahay pero wala pa rin akong makitang gagawin ko, dahil di naman ako makatulog. Hirap pumikit kapag di inaantok. Naisipan ko nalang na lumabas din ng bahay at ilibot ang sarili ko, magpapahangin o magpapasyal bahala na kung saan dadalhin ng mga paa ko. Nag bihis lang ako at konting ayos at yun handa na akong umalis ng bahay. Pagkalabas ko ganon din ang paglabas ni miko kasama si Czarina kaya dali dali ang bawat kilos ko kaso nalimutan kong i lock yung pintuan ng bahay kaya kailangan ko talagang bumalik at i lock yun, lakad takbo ang ginawa ko papunta sa sasakyan ko hanggang sa.... "Reverie!!" hanggang sa tinawag ako ni miko. Gusto kong umiwas at ayokong lumingon kaso yung leeg ko na mismo ang nagtraidor saakin, kusang lumingon kasi eh. "Miko?? Czarina..." simpleng pagbati lang ang ginawa ko sakanila. "Uyy san punta mo??" "Mamamasyal lang, kung saan mapunta ganon. Kayo??" Plano ko sanang lumayo sainyo kahit ilang segundo o minuto lang kaso kayo na mismo yung unang namansin. "Ganon din..." Wala din pala sa plano nila ang pag alis ngayon tsk bat kasi nag sabay pa talaga "Sama na lang kami sayo Reverie... okay lang ba??" Sabi ni Czarina saakin, I cant say no dahil magmumukha akong masama ang ugali dahil di ko sila pinasama. "Sure..." "Pwedeng sayo na lang sumakay Reverie?? Wala kasi kaming kotse ngayon eh." "Ahh sige pasok na kayo..." Kung kanina di nga ako sumama sa mga kaibigan ko dahil ayoko maging taga epal pero ngayon inanyayahan talaga ako na maging epal ang mas malala pa dito sobra sobra ang kirot na mararamdaman ko hanggang sa pag uwi. Una naming pinuntahan ay ang plaza na puno ng mga street food kasi gusto daw matikman ni Czarina nun. Kahit mayaman ako di ako nag iinarte sa pagkain pero siya ngayon lang ata nakasubok ng mga ganitong pagkain. "Anong tawag dito??" Tanong niya kay miko patungkol sa balot, pero mukhang di rin alam ng isa eh "Di ko alam, tanong mo kay Reverie" Anong rule ko dito?? Kapag di alam ang mga bagay bagay saakin itatanong?? Ganon?? "Reverie What do you call this one??" "Yan ang balot masarap yan kapag di ka maarte sa pagkain." Totoo naman ah masarap yun kung hindi ka maarte pagdating sa mga pagkain, pero kapag maarte ka di na yun masarap kasi uunahin mo pang sabihin ang salitang yuck keysa sa kainin yun. "Ahhh okay... eh eto??" "Isaw masarap din yan lalo na kapag sinawsaw mo sa suka, try mo" Lahat na lang ng Street food naitanong na niya saakin bakit di nalang niya kaya itanong yun sa nag titinda. At di nga maiwasan na ako yung magiging taga pag pic nilang dalawa. "Okay, 1 2 3 smile..." naka akbay sakanya si miko habang si czarina naman naka ngiti. Baka magandahan sila sa kuha ko at gawin pa akong tagapag picture sa kasal nilang dalawa. "Isa pa Reverie!!" "1 2 3 smile..." nagulat ako kasi hinalikan ni miko sa pisnge si czarina. Akala ko nga papagalitan ni Czarina si miko kaso hindi dahil tumawa lang ito at kinurot si miko sa pisnge. Ang sakit sakit sa mata kaya yumuko na lang ako habang pilit na pinapakalma ang puso ko, kumikirot kase tas sinasabayan pa ng mga mata kong taksil din dahil konti na lang at luluha na. Ang sakit sakit di lang sa mata pero pati na rin sa damdamin. He's the pain i never wish to be healed...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD