Chapter 15

942 Words
Pagkatapos naming kumain ng street food sa plaza at pagkatapos nila akong gawing photographer nag aya kaagad sila na pumunta sa malapit na cafe kasi gusto nilang tumambay raw dun. "Reverie may boyfriend kana ba??" Walang prenong tanong ni Czarina kaya nabilaukan ako sa iniinom ko. "Sagutin mo na Reverie pansin ko rin kasi na parang ikaw lang yung walang jowa sa inyo ng mga kaibigan mo, may nanliligaw ba sayo??"Tanong din ni miko saakin. Meron sana, aamin sana ako sayo kung hindi lang siya dumating sa buhay mo. Kung wala ka lang sanang Czarina na nagugustuhan nakaamin na ako sayo. "Wala, wala akong boyfriend at wala ring nanliligaw saakin" At kung meron man di ako tatanggap dahil iisang tao lang ang gusto kong tanggapin na mamahalin ko habang buhay. Ang taong nasa harap ko pero katabi naman ang taong mahal niya "Sayang ganda mo pa naman, pero may taong gusto ka??" Di ko alam kung ano bang pumasok sa isip ni Czarina at naging interesado siya sa love life ko. "Di ko siya gusto kasi mahal ko siya..." Kahit di ko man lang masabi kay miko na siya ang tinutukoy ko, okay na saakin na marinig niya. "Eh bakit di ka umamin??" "Dahil napaka komplikado na Czarina... Habang minamahal ko siya ng palihim nagmamahal din siya ng harap harapan sa taong gusto niyang mahalin..." Alam kong makikita na ang lungkot sa mukha ko pero di ko na yun matatago pa dahil yun naman talaga ang totoong nararamdaman ko. "Kaya ka nag give up??" Tanong ni miko saakin kaya tinignan ko siya sa mga mata niya na ang ganda parin... "Hindi ako nag give up, kahit kailan di ko ginive up ang nararamdaman ko. Pagpapakatanga nga lang ang ginagawa ko." Bahala na kung maisip niyang siya ang tinutukoy ko, pero gusto na kasing magsalita ng puso ko. "Bakit mo naman na isip na nagpapakatanga ka??" "Bakit?? Hindi ba pagpapakatanga ang matatawag sa kahit nasasaktan kana patuloy ka paring lumalapit?? Na kahit nasasaktan kana kinakaya mo mapalapit lang sakaniya?? Okay lang maging tanga wag lang maging desperada.." Kahit parang kalahati na ang nailabas ko sakanila di pa rin nawawala ang bigat na nararamdaman ko na pinaghahaluan ng kirot. "Di ko masabing okay lang yan Reverie but we all know na may tao talagang dadating para saatin. Na tatanggapin tayo at mamahalin ng buo kagaya ng kung sino ba talaga tayo... just wait for the right person who can give you the right love." "Tama si Czarina, Reverie di man ngayon pero sa susunod maghihilom din yang nararamdaman mo dahil ibang tao naman ang mamahalin mo" Sana nga miko... Pero di kayo ang nasa sitwasyon ko. Di niyo alam kung ano bang pagmamahal ang binibigay ko, ang kaya kong ibigay at iparamdam. Wala kayo sa posisyon ko para masabi niyong makakahanap din ako balang araw. Mahirap....dahil sa bawat araw na dadaan di sumusuko ang puso ko. "Sana nga..." yan lang ang tanging nasabi ko sa dalawa. "Kwento niyo saakin kung paano kayo nagkakilala.... gusto ko malaman.." gusto ko talagang malaman kahit masasaktan pa ako. "Czarina is a shy type girl kaya palagi siyang binubuli nun. Mabait at tahimik din siya kaya konti lang ang kaibigan niya dahil mas marami ang umaaway sakanya..." panimula ni miko. Siya talaga ang nag kwento ibig sabihin lang nun bawat detalye ng pagkakakilala nila di niya nalimutan "Ako naman wala rin akong friends masyado kaya yun nasa cafeteria ako nun nung nakita ko siyang pinagtutulungan ng mga kaklase namin kaya tinulungan ko siya.... Naging superhero niya ako nun dahil ako palagi ang nagliligtas sakanya at ako rin ang gumagamot sa sugat niya. Hanggang sa naisipan namin na maging magkaibigan, kung nasan ako nandun din siya hanggang sa di na kami mapaghiwalay na dalawa." Kung iisipin pala ako yung naka extra sa buhay nila dahil bigla bigla na lang akong pumasok sa eksena ng buhay nila "Ganon ang kwento ng friendship namin ni Miko HAHAHAH" Proud na sabi ni Czarina. "Reverie alam mo bang Napakahabulin talaga ni miko nung highschool kami HAHAHHA. Nasa entrance pa lang kami nung school nun tapos nagulat ako kasi maraming student ang natatakbuhan papalapit sakanya at nagpapapicture HAHAHA feeling gwapo lang" Nakitawa na rin ako kahit peke, na parang relate ako kunwari sa sinasabi niya. Kung ganon di lang pala ako yung nagiisang naghahabol sakayan kaso ako nga lang yung sumobra. "Czarina kakahiya yun ano ba! HAHAHHA" "Youre so feeling gwapo kasi dati HAHAHA" "Gusto mo naman?? HAHAHA" "What if i say yes?? ikaw talaga miko!!" Pilit kong magpabingi bingihan sa harap nilang dalawa ng dahil sa palitan nila ng mga salita. Kapag kasi pilit kong binubuksan ang tenga ko para makinig, puso ko lang yung masasaktan kaya mas mabuti ng maging bingi. Nagkunwari akong may tumawag saakin kaya nakaalis ako sa harapn nilang dalawa. Nag tagal ako ng ilang minuto sa labas ng Cafe hanggang sa bumalik ako sakanilang dalawa para sabihing uuwi na ako at yun na nga sabay kaming pumunta kaya sabay din kaming uuwi. "Thankyou so much Reverie!!" pagpapasalamat ni Czarina na may kasamang yakap "Thankyou Reverie!!" "Your welcome... una nako" Nauna akong pumasok keysa sakanilang dalawa at yun na nga ang mga mata ng kaibigan ko. "Reverie may plano ka bang sasakin ang sarili mo patalikod??" "Alam mong masasaktan ka!" "Reverie bakit mo sila kasama??" si chelsey ang mahinahon sakanilang tatlo dahil naunang mag over react ang dalawa "Nagkasabay lang wag nga kayong oa" "Di kami oa Rev, ayaw lang namin na nasasaktan ka ng sobra dahil parang torture na rin yun sa sarili mo...". "Sorry..." yan lang ang tanging nasabi ko sakanila. Nalimutan ko nagaalala lang pala sila saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD