Chapter 16

915 Words
"Sama ka bebs??" tanong saakin ni nicole, ayos na ayos na naman silang tatlo. "San punta niyo??" "Date ulit, ano sama ka??" pansin ko na ilang weeks na rin palaging lumalabas tong tatlo na to para makipag date. "Ayoko, kayu nalang " "Sige babyee ingat ka dito baka makakita ka ng multo tas yun na lang jowain mo HAHAHHA" parang tanga tong si ashley kala sakin uhaw na uhaw sa pag ibig kagaya nila. Inirapan ko na lang siya kaya natawa silang tatlo sa inasta ko. Triple date yata palagi nilang ginagawa eh, pansin ko lang kasi na palaging sabay yung date nila. Oh edi sanaol sakanila, di naman ako na iinggit, slight lang. Mas pipiliin kong manatili dito sa bahay tas pasimpleng silip kay miko keysa sa sumama sakanila. At least kahit masaktan ako sa ginagawa ko nakikita ko naman ang taong mahal ko. Pero ilang minuto na akong sumisilip sa kabilang bahay di ko siya nakita, siguro may trabaho kaya wala diyan sa bahay niya. Maliban kasi sa bahay niya sa cafe siya makikita eh o di kaya nakipagdate kay Czarina ngayon pero gusto ko siyang makita kaya nagbaka sakali ako kung nasa cafe nga ba siya. Pagkatapos kong mag ayos ay nag drive kaagad ako papuntang cafe para mabilis. Inayos ayos ko pa yung buhok ko bago lumabas, pigil ngiti ang ginawa ko ng makita ko siya sa counter ng Cafe. "One Ice Latte please.." Abala siya sa ginagawa niya pero napatingin naman kaagad saakin ng mag sabi ako ng order ko. "Oh ikaw pala Reverie, hanap ka nalang upuan mo tas sagot na kita" mas lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti. "Ay wee?? talaga ba??" pagbibiro ko pa sakanya na kunwari di sure kaya natawa na lang siya saakin. "Oo nga sige na hanap kana upuan mo." "Sige thank you miko" Kung ganito lang din naman araw araw edi araw araw din akong pabalik balik dito. Kagaya ng dati malapit ako sa bintana at malapit din sakanya ang pwesto ko, actually same na same nga talaga eh. Nagsecellphone muna ako habang nag aantay sa order ko. Kaibigan ko lang naman yung nag chachat dahil hanggang ngayon wala pa ring update si mommy. Di pa siya nag chat o tumawag kung ano na bang nangyayari. Nag aalala na ako ng sobra sobra kaso alam ko naman na hindi pababayaan nila mommy si ate. Doctor sila kaya nilang gamutin ang mga sakit ng pasyente nila, wag nilang sabihin na yung sakit lang ng ate ko ang di nila kayang gamutin. Kahit na di sila nag chachat saakin ako na mismo ang nagpadala ng message sakanila para naman mabasa nila at makapagreply na saakin kung ano na nga ba talaga ang mga nangyayari dun. Napa haystt na lang ako at napatingin sa naglapag ng Ice latte sa harapan ko. "Problimadong problemado ka ah" dami ko ngang problema dumagdag ka pa. "Wala to, kaya ko pa naman HAHHAHA" Kaya kung kakayanin pero pag hindi edi wala na. "Pwede kang mag kwento saakin....kung gusto mo??" Siya ba may ari ng cafe na to?? Parang walang kinakatakutan na may magagalit sakanya kapag nakipag kwentuhan sa mga customer eh. "Handa ka bang makinig??" kasi kung hindi pwede na siyang lumayas sa harapan ko, di joke lang. "Handang handa HAHAHAH" handang handa pala eh, edi simulan ko ng mag salita "Naalala mo yung ate ko?? Yung may sakit sa America." panimula ko "Oh anong meron??" "Hanggang ngayon kasi wala paring update.." "What do you mean update?? Update kung gumaling na ba siya?? Ganon ba??" uminom muna ako bago tumingin sa mga mata niya at nag salita. "Yes, di pa kasi nagchachat yung parents ko eh. Kung ano na bang mga ganap dun kaya nag aalala ako." Ang sarap pala sa pakiramdam na kahit nagaalala ka lang may mapagsabihan ka no?? Tapos yung taong handa pang makinig sayo ay ang taong gusto mo. Pero hanggang kailan to?? "Baka busy lang sila kaya di na nila nakuha pang mag chat sayo at baka nakatuon lahat ng atensiyon nila sa ate mo kaya di ka nila na kamusta pa o napadalhan ng update" nakangiting sabi niya na parang sinsabi ng mga ngiti niya na magiging okay din ang lahat kaya napahinga naman ako ng maluwag. Siya lang yung may kayang pagandahin ang nararamdaman ko pero siya rin yung may kayang saktan ako ng hindi sinasadya, dahil di niya alam. "Sana nga..." "Smile ka na diyan Reverie, papanget ka na niyan HAHHAHA" di lang smile ang pinakita ko sakanya dahil tumawa na rin ako. "Reverie gusto ko lang itanong, malapit ba sayo yung taong gusto mo?? okay lang kung di mo sasagutin na cucurious lang kasi ako eh" nacucurious o gusto ng chismis?? "Di ko alam, di ako sure kung malapit nga ba kami sa isat isa para sakaniya o hindi. Nakakausap ko siya at kaibigan ang turingan namin kaya siguro medyo malapit" Siguro malapit nga sa isat isa, kaharap ko na nga ngayon eh. "Gusto mo tulangan kitang umamin sakanya?? Sabihin mo lang yung pangalan ako na bahala sayo" kapag ba sinabi ko yung pangalan mo ikaw mismo ang tutulong saakin mapalapit lang sayo?? Impossible na yun nandyan si Czarina eh. "Wag na HAHAHAH anlabo na nga kase" Sobrang labo na kahit sino malalabuan na. "Eh edi tulungan mo nalanga ako, please??" tulungan saan?? May gagawin ba siyang di niya kayang gawin kaya kailangan niya ng tulong ko?? "Ano ba yun?? Kung kaya ko lang rin naman eh bakit hindi pa kita tutulungan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD