Chapter 17

967 Words
Matagal pa siyang napaisip bago mag salita, sobrang laki ba ng ipapatulong niya saakin?? " Saturday afternoon gusto ko sanang mag propose kay Czarina... i want her to be my girlfriend na." Yung mundo ko unti unti na talagang nawawasak. Napatulala na lang ako sa sinabi niya, Saturday eh thursday ngayon at ilang araw na lang mag sasaturday na. Unti unting kumikirot ang puso ko sumasakit na rin ang damdamin ko. Makakaya ko bang tumulong?? "Ano naman ang maitutulong ko dun??" Tutunganga sa harapan niyong dalawa habang nasasaktan?? Ganon ba?? "Please help me na mag prepare ng set up dito sa cafe, kung okay lang sayo??" Okay nga ba saakin?? Dahil sa pagkakaalam ko hinding hindi magiging okay yun sa puso ko. Masasaktan ako ng sobra dun pero kung yun ang ikakasaya niya.... "Hmm okay lang saakin, di naman ako busy sa saturday eh. Just tell me what to do" ngayong araw mismo, mangangako ako sa sarili ko. Ngayong araw mangangako ako sa sarili ko na yun na ang huli at ako na mismo ang aalis sa buhay nilang dalawa kahit parang extra lang naman talaga ako. Tutulungan ko siyang maging masaya kahit ikadudurog ko pa pero yun na ang huli dahil nangangako na akong susuko na ako. Ayoko ng pahirapan pa ang sarili ko. "Sa saturday ng umaga tulungan mo lang akong mag ayos ng mga designs sa cafe, pagkatapos nun hihintayin lang natin na dumating si Czarina and then mag tutugtog ng slow dance yung isa sa mga staff at aayain ko siyang sumayaw at dun na ako mag propropose, asking her to be my girlfriend." Planadong planado na pala lahat, oo na lang ni Czarina ang hinihintay niya. He's so sweet na kahit sa pag tanong lang ng will you be my girlfriend mag eeffort pa talaga siya ng sobra. "Okay, sabihan mo nalang ako magkalapit lang naman yung bahay natin eh." "Thankyou so much Reverie!" kahit ano para sayo... "Welcome miko, i have to go na" Gusto ko ng umuwi dahil unti unti ng sumisikip ang dibdib ko at unti unti na ring sumasakit ang mga mata ko na halata namang gusto ng umiyak. Pero pagkaupo ko pa lang sa sasakyan ko yung mga luha ko nagsipatakan na. Di na dapat ko umiiyak eh,pero bakit ako umiiyak?? Kailangan kong maging masaya para sakaniya dahil kahit sa huling pagpapakatanga ko sakaniya natulungan ko man lang siya para sa taong mahal niya. Pero wala eh gustong kumawala ng mga luha ko kaya sobra sobra ang pag iyak na ginawa ko bago umuwi. Ang lapit lang naman ng bahay eh kaya naka uwi kaagad ako. Sa kwarto kaagad ang punta ko dahil gusto kong ituloy ang pag iyak ko, ang bigat kasi sa loob. Ewan ko na lang talaga sa sarili ko sobrang bigat talaga na kailangan kong umiyak ng ilang beses para mawala tong nararamdaman ko. Gusto ko pagkagising ko di na ako yung dating Reverie, gusto kong baguhin ang lahat saakin. I want to change my personality, gusto ko hindi na rin ako approachable na kapag nakita ako ng mga tao sila na mismo ang iiwas saakin. Gusto kong maging cold yung tipong di mahinang tao, pero anong magagawa ko eto na talaga ako eh. Napayakap na lang ako sa unan at napaupo sa gilid ng kama habang umiiyak. Ang lakas lakas ng pag iyak ko dahil alam ko naman sa sarili ko na walang makakarinig saakin. Nag iisa lang ako ngayon kaya kahit anong iyak pa ang gagawin ko walang magpapatahan saakin. Kahit sa ganitong paraan man lang mabawasan ang sakit at ang bigat na nararamdaman ko. Na kahit sa ganitong paraan man lang matauhan ako at masabing susuko na nga talaga ako. "Bebs??!!" "Reverie!! Asan ka!!" "Reverie!!" "Bebs naman!!" Sunod sunod ang pag sigaw ng mga kaibigan ko, akala ko mamaya pa sila uuwi kaya sobrang lakas ng pag iyak ang pinakawalan ko pero di ko inaasahan na maririnig nila yun. Di ko sila sinagot at hinayaan lang silang hanapin kung nasaan ako, Mahina na rin ang paghikbi ko dahil nandito na sila sa bahay. Ilang segundo lang ang nakalipas at unti unting may bumubukas sa pintuan ng kuwarto ko at dun na nga sila pumasok na may nag aalalang tingin. "Reverie?? Are you okay?? Tell us what happened...please??" Pinatayo ako ni chelsey at inalalayan na umupo sa kama ko. Si ashley at nicole naman ang nagpupunas ng mga luha ko. Gusto nilang malaman kung ano ang nangyayari kaya ikinuwento ko sakanila habang umiiyak. "Sigurado ka dun??" alam kong hindi, pero yun ang gustong gawin ng puso ko eh "Sigurado na Ash" "Ang tanga mo talaga bebs" alam ko nicole di na kailangan ipagsigawan pa dahil ako mismo sa sarili ko alam ko yun. "Alam ko Nicole" "Alam mo ding masasaktan ka??" Tanong saakin ni Chelsey, kaya nga umiyak dahil nasasaktan na eh "Oo naman Chels, sobra sobrang sakit na nga eh. Pero nangako na ako sa sarili ko na yun na ang huli." Huli na ang ibig sabihin wala ng kadugtong o susunod pa. "So desidido ka na talagang tumulong sa saturday?? Pwede ka pang umatras ako ang bahala sayo.." aatras?? Wag na, ituloy na kaagad para naman kapag umoo si Czarina matauhan kaagad ako. Matauhan na hindi ako yung taong gusto niya, na hindi ako yung mahal niya dahil kaibigan lang ako. "Wag na ash itutuloy ko to" "Bakit?? Bakit napaka suportado mo?? Ganiyan ka na ba kahanda para harapin ang sakit na mararamdaman mo??" hindi ako handa at sinasabi kong hinding hindi talaga ako magiging handa. "Susuportahan ko siya Chelsey dahil mahal ko siya, Susuportahan ko siya kung saan siya masaya.." Patuloy ko siyang susuportahan kahit ikakawasak ko pa... basta ikakasaya niya. Dahil kahit hindi man ako ang piliin niya masaya na akong pinili siya ng taong mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD