Nakapag Decide na ako, handa na akong umpisahan ang tadhanang nararapat saaming dalawa.
I will just let go of this feeling....
Hahayaan ko na to at mag momove on na kahit ang hirap. Kahit ang hirap kakayanin ko dahil pinarealize saakin ng mga kaibigan ko na minsan magtira din naman ako para sa sarili ko.
Pero sa ngayon haharapin ko na muna ang pinakamasakit na parte ng pag ibig ko sakanya.
Ang bilis ng araw at oras dahil saturday na ngayon at ibig sabihin lang nun ngayon na mismo mag propropose si miko kay Czarina.
At sa araw na ito di rin ako iniwan ng mga kaibigan ko dahil tumulong din sila dito sa cafe. Ang sabi nila tutulong sila hindi dahil gusto nila kungdi dahil may masasandalan ako kapag oras na manghihina ako.
Inarrange ko ang mga bulaklak sa gilid at ang nag iisang mesa sa gitna na may dalawang upuan kung saan sila kakain mamaya.
Nakahanda na ang lahat yung sing sing atsaka yung bouquet ng bulaklak. Ang hinihintay lang ay si Miko at si Czarina .
"Gusto mong umuwi bebs??" tanong saakin ni Ashley
"Di yan uuwi ash, ang tapang niyang harapin lahat ng sakit na mararamdam niya mamaya eh" sabi naman ni nicole kaya inirapan ko siya
"Agree" pati si chelsey nakisabay rin sakanila kaya iniwan ko sila para mapaghingian muna sa labas.
Di ko alam pero ramdam ko na mabilis ang bawat pag galaw ng oras ngayon, sobrang bilis dahil sa ilang oras lang natapos na namin ang lahat ng aayusin at sa ilang oras na lang din ay magiging sila na ni Czarina. Eto na talaga ang senyales na kailangan ko ng mawala sa landas nilang dalawa.
Ilang minuto lang din ang nakalipas at pinatawag na ako ng staff ng cafe dahil malapit na silang dalawa kaya pumwesto kami sa gilid para abangan ang mangyayari.
Nakapatay lahat ng ilaw hanggang sa bumukas ang pinto at isa isa naming binuksan ulit ang ilaw, kita ang pagkagulat at pagkamangha sa mata ni Czarina habang ang mga mata naman ni miko puno ng pagmamahal para sakaniya.
At yung mga mata ko naman punong puno ng pagkakalungkot at sakit.
Pinatugtog na ng staff ang slow dance kaya nag aya na si miko ng sayaw kay Czarina na agad din namang tinanggap ni Czarina.
Ang saya saya nila habang sumasayaw, ramdam ang buong pagmamahal sa bawat pag galaw nilang dalawa. Nakakainggit sobra at sobra din ang sakit pero di ako iiyak ngayon.
Ng matapos na ang tugtog dun kaagad kinuha ni Miko ang bulaklak at binigay yun kay Czarina na halatang naguguluhan pero masayan
Kinuha rin ni miko ang maliit na kahon ng singsing sa mesa atsaka lumuhod sa harapan ni Czarina.
"Czarina Samantha Lim Can you be my girlfriend?? I badly want you to be my girlfriend please say yes..." Kitang kita ang nagsasari saring emosyon sa mga mata ni miko habang tinatanong yun kay Czarina.
"Yes! Yes miko HAHAHHA"
I get it now, he really love her. And i just cant live with the fact that the guy i love is inlove with someone else.I think i should leave now, I'll cry about this for some reason and that i wake up in the morning and i'll know i deserve someone better. Have a good life miko....
pagkasabi nun ni Czarina, biglang sumikip ang dibdib ko at ang mga mata ko umiiyak na kaya dali dali akong naglakad palabas ng cafe na alam ko namang sinusundan ako ng mga kaibigan ko.
I dont regret meeting you or loving you miko... but i should put distance between us, cause things never be the same again....you have her now and im just a nothing... Yan lang ang tanging nasabi ko sa isip ko habang naglalakad palayo sakanya
Sa exit kami dumaan dahil ayaw na naming maki agaw ng eksena. Pagkarating namin sa sasakyan magsasalita na sana sila pero nakatanggap ako ng tawag galing kay mommy kaya sinagot ko kaagad yun.
"Hello mommy??"Inayos ko muna ang boses ko bago sabihin yun. Di ko pinahalatang umiyak ako dahil ang gusto kong malaman nila ay okay lang ako
"Anak... ang ate mo..."
"What about ate?? Is she okay na?? Makikita ko na siya ulit?? makakauwi na siya??" Excited ako dahil kung yun ang mangyayari, kahit si ate lang makaalam ng lahat ng pinagdaanan ko maliban sa kaibigan ko okay na ako. Kahit siya lang ang magbibigay saakin ng advice okay na ako.
"Di yun anak..."
"Eh mommy?? Magtatagal pa kayo diyan?? Ano ho bang update??" Naguguluhan ako sa inaasta ng nanay ko
"You should go here na anak.."
"Why?? Ate miss me so much??Dont worry mommy i will book a flight and dont tell her cause i want to surprise her" Kahit masakit yung nararamdama ko kanina unti unti ng nawawala dahil sa nararamdaman ko sa ate ko, i really want to see her cause i miss her so much. Na miss ko na rin kung paano niya ako pangaralan .
"I already book a flight for you Reverie and your ate....shes gone anak.." naguguluhan ako sa sinasabi ng mommy ko ganon na rin ang mga kaibigan ko na nakikinig din saamin.
"What do you mean mom??"
"Iniwan na niya tayo anak... she already passed away kaninang umaga lang...." Nahulog ang Cellphone ko sa mga kamay ko pagkarinig ko nun
Yung kaninang sakit na nararamdaman ko, biglang domoble yun. Di pa rin ako makapaniwala sa narinig ko.
At di ko alam kung paniniwalaan ko ba ang narinig ko. Niyakap ako ng mga kaibigan ko kaya ganon na lang ang pag iyak ko habang tinatawag ang pangalan ng ate ko.
Kunin na nila ang lahat saakin, wag lang ang ate ko. Dahil mawala man saakin ang lahat, kaya naman iparamdam ng ate ko na siya lang sapat na.
Buong magdamag wala akong ginawa kungdi ang umiyak sa harapan ng kaibigan ko habang sila naman pilit akong pinapatahan pero di kaya.
Di ko inaasahan na doble pala ang sakit na mararamdaman ko ngayon, pero walang makakapantay sa sakit na nararamdaman ko ng malaman kong iniwan na ako ng ate ko.