"Just stop it Akira! Hindi mo kailangang ibuhos lahat ng effort mo sakin. Tignan mo nga ang sarili mo? Isang babaeng desperada na nakaluhod sa harap ko ngayon! Para ano? Para ipakita mo sa akin na mahal mo ako? I don't need your f*****g love Akira! Tumayo ka jan! Madaming nakatingin na tao sayo! Mahiya ka naman! " sigaw sa akin ni Jacob habang nakaluhod ako sa harap niya. I begging him na huwag niya akong iwan. Kahit magmukha akong tanga na nakaluhod dito, ok lang. 'Coz I just want to be loved.
------
" Napaka-walang kwenta mo talaga!" Isang malakas na sampal ang aking natamo mula kay mama.
"Anong karapatan mo para ipahiya kame? Ikaw na nga ang pinapag-aral, ikaw pa ang may ganang sumira non!" Isang sampal ulit ang aking natamo kay papa.
Unti-unting nagsibagsakan ang mga luha ko.
Tahimik habang kinikimkim ang sakit.
I cheated in school kaya galit na galit sila.
Gusto ko lang naman makakuha ng mataas na marka upang hindi na nila ako ikumpara kay Ate. Nagawa ko lang din yun dahil sinunod ko lang ang mga kaibigan ko dahil kapag hindi ko ginawa iyon, lalayuan nila ako. Alam kong mali. But I just want to be loved.
----
"Akira! Kainin mo yan bilis! Lalayuan ka namin sige ka! "
Sigaw sa akin ng isa 'kong kaibigan habang inaabot ang isang tinapay na may naka-palaman na puro ketchup. Halos mapuno ito ng ketchup.
Sinunod ko sila.
Kahit madaming taong nakatingin sa amin.
Kinagat ko ang tinapay at kasabay nito ang paglabas ng sobrang dami na ketchup kung kaya't nalagyan ang aking mukha.
Narinig ko ang hagikgikan at tawanan ng mga estudyante sa paligid habang pinagmamasdan nila ang mukha ko na punong-puno ng tila dugo na ketchup.
"Mukha siyang vampire sis HAHAHAHA"
"Wtf! Anong kinain niya? HAHAHA"
"Bobo naman niya"
"Iw ang dugyot"
Ilan lamang sa mga narinig kong chismisan nila.
Pinunasan ko ang aking mukha at tumakbo palabas ng canteen.
----
I found my self crying habang nakaupo sa ilalim ng puno.
Malalim na ang gabi.
Nagdaan na naman ang araw na halos sakit na naman ang naramdaman ko.
Tumingala ako sa ulap.
At kinausap ito na tila kayang sagutin ang mga katanungan ko.
"I-ilang kahihiyan pa ba ang k-kailangan kong gawin para lang mahalin nila ako? Napapagod na 'ko. Kahit ilang beses nilang tapakan ang pagkatao ko, at pagtawanan ako, natitiis ko. Napaka-desperada ko! I'm just doing t-that t-things b-because I j-just w-want to be l-loved".