I have my kuya.
Like others, madalas kaming nagsasalpukan HAHAHA.
Pero kagabi, kinilig ako sa kanya HAHA.
I mean, kinilig ako sa pagiging kuya niya.
Baka kasi iba na naman isipin niyo HAHAHAHAHA.
Loyalty night namin kagabi.
Grade 10 si kuya. Tapos grade 9 ako.
Ewan ko dito sa school namin kung ba't pati mga grade 9 sinali dito sa loyalty night na 'to.
So, nung nandon na kami,
Nakaupo lang muna ako habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan ko.
Yun lang naman pinunta namin don.
Tumawa lang HAHAHAHAHA.
Tapos maya-maya nagsimula na yung sayawan.
I have this classmate na nag-aya sa 'kin na sumayaw. Tatayo na sana ako nang biglang may humawak sa kamay ko.
Pagtingin ko si kuya HAHAHA.
Tapos sabi niya don sa kaklase ko,
"Ako muna bro, mamaya ka na"
Tapos hinila ako ng gago papunta sa gitna.
Haba haba ng gown ko non e. Parang tanga.
Ta's nung sumasayaw na kami,
Sabi niya,
"Ganda naman ng kapatid ko ngayon"
Parang tanga kuya! HAHAHA.
Sinipa ko lang siya non. Bait ko no? HAHAHA.
Tapos sabi niya,
"Ako dapat una mong isasayaw kasi kuya mo 'ko"
Tapos sabi ko naman,
"Ba't naman? Tsaka asan yung girlfriend mo? Ba't di mo sinasayaw yon?"
Tapos bigla siyang tumawa.
Sabi niya,
"Baliw ka ba? Kahit naman mahal ko yon, mas mahal kita kaya dapat ikaw muna isasayaw ko. Pangalawang babae ka sa buhay ko kaya dapat lang na ikaw muna isasayaw ko. Tsaka dapat isasayaw mo muna ako bago kita makita na sumasayaw kasama yung ibang lalaki."
Gago kinilig ako dun. HAHAHA.
Tapos sabi ko,
"Nyenyenye drama mo!"
Ta's si gago may inabot saken.
May pa rosas si gago.
Kaya sabi ko,
"Ba't ibang iba ka ngayong gabi? Ang sweet mo ata?"
Tas gago sabi niya,
"Ngayon lang 'to, bukas magsasapakan ulit tayo HAHAHAHAHAHAHA"
Tapos sinipa ko ulit siya kahit naka-heels ako HAHAHA.
Jusko lord, sana ganto nalang lagi yung kuya ko HAHAHAHA