"Magkapatid tayo, hindi maaari"

661 Words
"Kuya look, basahin mo 'to. Ang ganda ng love story nila. Totoo pala ang reincarnation?" Saad ng aking kapatid na kasalukuyang nagbabasa ng libro.  Nabaling naman ang tingin ko dito at bahagyang napangiti sa kanyang sinabi.  Tumango lamang ako dito. Binitawan ko ang aking cellphone at tumungo sa kwarto upang umidlip dahil dinadalaw na ako ng antok. Mabilis akong nakatulog. ------ "Mahal!" Tawag sa akin ni Cecilia habang masaya itong papalapit sa akin. Nandito ako ngayon sa likod ng kumbento upang makipagkita sa aking iniirog. Mabilis itong nakalapit sa akin at binigyan ng isang mahigpit na yakap. "Nakakatiyak ka ba na walang nakasunod sa iyo aking mahal?" Agad kong tanong dito. Tumango naman ito. "Nasasabik na akong makita ka. Kung kaya't tumakas ako kay Ama upang dagling makarating dito sa iyong kinaroroonan. Kamusta ka?" sabik na saad nito. "Maayos ang aking kalagayan. Nasasabik din ako sa iyo. Aking mahal" sagot ko dito at hinawakan ang kanyang mga pisngi. Mariin kong pinagmasdan ang kanyang mukha papunta sa kanyang mala-rosas na labi. Unti-unti kong inilapit ang aking mukha upang mahalikan siya. Ngunit bago pa man mangyari ay may narinig akong putok ng b***l. Napatigil naman kaming dalawa ni Cecilia at agad na lumingon sa aming likuran. Aking nakita si Don Rodolfo habang nakataas ang kanyang kanang kamay habang hawak ang isang b***l.  "A-ama" rinig kong sambit ni Cecilia. "Napakalapastangan mo Cecilia! Anong karapatan mo upang magkaroon ng lihim na pakikipagrelasyon sa isang dukha at mangmang na katulad niyan!" Galit na sigaw nito habang nakaturo sa akin. Inutusan niya ang kanyang mga utusan upang kunin sa tabi ko si Cecilia. Naramdaman ko naman ang pagkahawak niya sa aking mga kamay. "Ama huwag po! Mahal ko siya!" Sigaw nito habang pilit na inaagaw ito ng mga tauhan ng kanyang ama. May dalawang humawak din sa akin at tuluyan kaming nagkahiwalay ni Cecilia. Naramdaman ko ang samu't saring suntok na iginawad nila sa aking katawan. Rinig ko ang pagmamakaawa ni Cecilia at tuluyan akong bumagsak sa lupa dahil sa panghihina. Naramdaman ko ang sakit ng aking katawan dulot ng pagkakabugbog. "Ngayon Cecilia, mamili ka! Ang lalaking ito o ang iyong katungkulan?!" rinig kong sigaw ng kanyang ama. "Barilin mo sa aking harapan ang lalaking iyan!" Utos nito sa kanya at iniabot ang b***l. Nanghihina na ako at alam kong hindi na ako magtatagal. Muli kong ibinaling ang tingin kay Cecilia habang nakatingin sa akin. Ngumiti ito at nagwika, "Mahal kita" kasabay ng pagputok ng b***l at pagtumba niya sa lupa. "M-mahal" nagkatinginan kami habang hinahabol ang bawat hininga. Inilapit niya ang kanyang kamay sa aking palad.  "Itutuloy natin ang ating pagmamahalan aking mahal" sambit nito. At sabay naming ipinikit ang aming mga mata. -------- Napabalikwas ako sa aking kama nang ako'y magising. Tila totoo ang bawat pangyayari. Napaupo ako at nagsink in lahat sa akin ang aking panaginip.  Bakit ganoon ang naganap? Lumabas ako sa aking kwarto. Dumiretso ako sa sala at nakita ko ang aking kapatid na nakatulog habang yakap ang librong kanyang binabasa kanina lamang.  Lumapit ako dito at hindi ko mawari kung bakit ko ito tinititigan. Maya-maya ay narinig ko itong nagwika habang tulog. "Aking mahal, itutuloy natin ang ating pagmamahalan"  Nagulat ako sa kanyang sinabi. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Hinimas ko ang kanyang mukha at tinanggal ang buhok na nakaharang dito. Dito ko napansin ang isang bilog na birthmark sa kanyang sintido. Naalala ko ang pangyayari sa aking panaginip. Sa sintido binaril ni Cecilia ang kanyang sarili. Marahan kong itinaas ang aking damit at aking nakita ang madaming birthmark na pasa. Makikita dito ang parang binugbog na katawan ng isang tao. N-ngunit.... "Muli kayong nagkita, ngunit hindi ninyo maaaring ipagpatuloy ang inyong pag-ibig. Sapagkat kayo'y nagbalik, at bilang magkapatid" Napalingon ako sa nagsalita sa aking likuran. "L-lolo?"  Ngumiti ito sa akin. Napalingon muli ako sa aking kapatid. "K-kuya" "C-cecilia" Agad ko itong hinagkan. N-ngunit.. Hindi kami maaaring magkatuluyan, Sapagkat ang dapat na magkasintahan ay nagbalik upang maging magkadugo sa iisang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD