Chapter 1

2145 Words
Chapter 1 Tinanggal ko ang earphones na nakasalampak sa aking tenga nang makababa ng sasakyan. It's been so many years at ngayon ay nandito na naman ako. Hindi ko alam kung ano na namang naghihintay sa akin. Pero sigurado akong hindi 'yon maganda. Like what I said, hindi naman nila ako basta basta pauuwiin. May rason panigurado. Iginiya ako ni Kuya Noel papasok sa mansyon. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto at inilapag niya na ang mga gamit ko sa upuan. Ang maleta ko naman ay ibinigay niya sa katulong na sumalubong sa amin. Maya maya lang ay nasa harapan ko na sina Kuya Keen at Ate Amber. Nakangiti nila akong nilapitan at niyakap. "Finally! You're here," nakangiting ani Ate Amber at sinuyod ng tingin ang kabuuan ko. Ngumuso ako at tumango. "Yeah, nandito na naman ako ulit." Ulit... Lumapit si Kuya sa akin at iniakbay ang kanyang braso sa balikat ko. "Come on, you should be happy not like that." Ngumiwi ako. "Kung hindi niyo naman ako pinakiusapan ay hindi talaga ako uuwi." Natawa si Ate. "Kaya nga buti nalang at nakauwi ka." Matunog akong bumuntong hininga. "Tell me, bakit ako biglang pinauwi nina Dad?" tanong ko. I can't wait, nabobother talaga ako! Gusto ko ng malaman para matapos na at makabalik na ako sa London. I can't stay here any longer, dahil paniguradong mag-aaway lang kami at magkakasagutan ni Mommy. Yeah palagi kaming gano'n ever since, nagkakasagutan at nag-aaway. I'm sick of it actually, pakiramdam ko ay ako ng ako ang nakikita niya. Puro kamalian ko ang napapansin. Nagkatinginan sina Ate at Kuya. "You'll know, soon," sagot ni Kuya at ginulo ang buhok ko. Inihatid ako nina Ate at Kuya sa kwarto matapos 'yon, sinabihan nila akong magpahinga, so I did. Nagshower lang ako at nagpalit ng damit pagkatapos ay nahiga na sa kama. Nang makahiga ay hindi agad ako nakatulog. Tuloy ay napatitig ako sa kisame. Grabe, hindi ko na matandaan kung kailan ako huling natulog sa kwarto kong ito. Napakatagal na panahon na siguro iyon kaya hindi ko na rin maalala. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng aking silid. Walang masyadong nagbago, ganoon pa rin ang disenyo, ang mga gamit na naiwan ko ay naroon pa rin sa kanya kanyang lagayan. Ang mga litrato ay naroon pa rin sa frames, miski ang mga books ko na nasa shelves, paintings sa dingding at ibang mga damit sa cabinet. Matapos ang pagmumuni-muni ko ay hinila na ako ng antok. Nang magising ako ay madilim na, kaya paniguradong gabi na. Nagising ako sa katok ni ate sa pintuan ko. Agad naman akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto. "Unnie, what is it?" tanong ko habang nagkukusot ng mata. I'm still sleepy! "Nakahanda na ang dinner, nandyan na rin sina Mommy, let's go?" pag-aaya niya habang nakangiti. Bumuntong hininga ako saglit bago tuluyang sumunod kay ate sa ibaba. Naabutan ko pa sina Mommy, Daddy at Kuya na seryosong nag-uusap sa hapag. For sure it's about business. Palagi namang gano'n. Hindi lumipas ang araw na hindi sila nag-uusap tungkol doon. "Dauntiella's here," anunsiyo ni ate, dahilan para mapunta sa akin ang atensyon nina Mommy at Daddy. Nginitian ako ni Daddy at sinenyasang lumapit, kaya sumunod naman ako. "Namiss ka namin, buti at umuwi ka," ani Daddy at niyakap ako ng mahigpit. Alanganin akong ngumiti, what's with the gestures and sweet words? Nakakapanibago naman. Hindi ako sanay na ganito siya. "Come seat beside me," nakangiting sabi ni Mommy at isinenyas ang upuan na katabi ng sa kanya. Tumango lang ako bago naupo roon. Pagkaupo ko palang ay inabutan na ako kaagad nina Daddy and Mommy ng kung ano ano pang pagkain. Tsk, ganito ba talaga sila? O may kailangan lang sila sa akin kaya ganyan sila umakto? It's either of the two right? Nang balingan ko sina ate at kuya ay tinanguan lang nila ako. So yeah, hindi na ako nagsalita pa at hinayaan nalang sila sa kanilang ginagawang pag-asikaso sa akin. "How's London?" tanong bigla ni Dad habang kumakain. Nilingon ko siya. "Ayos naman, masaya," wala sa mood ko 'yong sinabi. Hindi ko naman ugaling magkwento sa kanila. Hindi rin naman nila ugaling magtanong. Pero bakit ngayon ay parang may nagbago? "Hmm, may boyfriend ka?" tanong naman ni Mommy, hindi ko inaasahan. Tss, kailan pa siya naging ganito? She's not usually like this. Ni minsan hindi niya ako tinanong about sa ganyang bagay. Kaya ano't bigla siyang naging curious? Napunta tuloy sa kanya ang paningin ko. "I don't have one," tipid kong sagot. Tumango tango siya at ngumiti. "That's good." Tumaas ang kilay ko sa sinabing 'yon ni Mommy, good huh? Natapos ang dinner pero wala silang nabanggit sa akin na kahit ano. Gustuhin ko mang magtanong pero hindi ko na ginawa. Maghihintay nalang siguro ako. Sa ngayon ay iisipin ko nalang kung paano ko gagawing makabuluhan ang pananatili ko rito. Hindi naman ako pwedeng manatili rito sa bahay palagi, paniguradong mabuburyo lang ako at masisiraan ng bait. Mas sanay akong mag-isa, mas pabor pa nga iyon sa akin kung tutuusin. Napangiti ako nang biglang may maisip. Dali dali kong kinatok si Kuya sa kanyang kwarto. "Oppa!" tawag ko sa kanya mula rito sa labas. Ilang sandali pa ang lumipas at binuksan niya rin 'yon, inanyayahan niya akong pumasok sa loob kaya sumunod naman ako. "What is it Dauntiella?" tanong niya kaagad. Naupo muna ako sa kama niya at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Dinama ko pa ang lambot ng kanyang kama at ganda ng sapin nito bago ibinalik sa kanya ang paningin. "Oppa, diba may condo unit ka?" "Yes why?" tanong ni Kuya, ang paningin ay nandoon sa kanyang laptop, busy siyang nagtatype roon. "Pwede bang doon na muna ako?" walang pag-aalinlangan ko 'yong tinanong. I really need to get out of this house, wala na akong ibang maisip na paraan, kundi 'yong condo ni Kuya. Being in this house is a bit suffocating. Nag-angat ng tingin sa akin si Kuya at itinigil sandali ang kanyang ginagawa. "Why? Don't tell me doon mo balak manatili?" tanong niya. Lumabi ako. "Kuya, please? Doon na muna ako, you know I can't stay here right?" sabi ko pa sabay puppy eyes para effective. Paniguradong hindi ako matatanggihan ni Kuya kapag ganyan. And besides, he's well aware na hindi maganda ang samahan namin ni Mommy. Bata palang kami, alam niya na iyon. Kaya alam ko na walang dahilan para hindi siya pumayag sa gusto ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya, niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. "Kuya, sige na please?" pangungulit ko. Kuya sighed. "Okay, fine, I'll give you the key by tomorrow." Ngumiti ako ng pagkalapad lapad matapos iyong marinig mula sa kanya. "Yey, thank you! I love you," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi ng paulit-ulit. Grabe! Baby na baby ako nina Kuya at Ate! Perks of having an older brother and older sister... "Do you want me to come with you tomorrow?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Nakangiti akong umiling. "No need kuya, it's okay, I can manage, isa pa busy kayo ni Ate eh." Kaya ko naman na kasi magisa. Saka ayokong maabala pa silang dalawa sa mga gawain nila sa kumpanya. Isa pa, malaki naman na ako, I can do anything on my own. "You sure?" tanong niya, naniniguro. Tumango ako. "I'm sure oppa." Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-ayos ng gamit. Ginamit ko 'yong BMW kong kulay itim papunta roon sa condo ni Kuya sa may Katipunan. Hirap man ay kinaya ko pa ring makarating sa floor na 'yon nang mag-isa. Iyon nga lang, may nakita na naman akong hindi inaasahan. Masisira na sana ang araw ko pero inisip ko nalang na hindi dapat ako magpaapekto sa kanya. Hindi ko na hahayaan na inisin niya pa ako gaya no'ng nakaraan. Dedma nalang. Saktong pagbaba ko ng elevator ay mukha no'ng lalaki na nasa airport ang bumungad sa akin. Nagulat pa siya nang makita ako pero kaagad din namang ngumiti. Tsk, weirdo... "Do you need help?" tanong niya na ikinagulat ko. Wait...siya ba talaga itong kaharap ko ngayon? Bakit parang hindi naman? Himala yatang hindi siya siga o nagyayabang manlang? Saka tama ba ang dinig ko? Nagooffer siya ng tulong? Wow! How strange! Bakit ba ganito ang mga tao ngayon? Dumako ang tingin ko sa mga bitbit ko. Sasagot palang sana ako pero huli na dahil nakuha na niya ang maleta at bags na hawak ko. Sinenyasan niya akong mauna since ako ang nakakaalam ng unit so pinangunahan ko siya. Wala naman na akong magagawa e, nasa kanya na 'yong mga gamit ko, saka kung mabait siya today, might as well, sulitin ko na. Binuksan ko kaagad ang pinto ng condo unit at inanyayahan siya sa loob. Inilapag niya ang mga gamit ko sa sofa at saka inilibot ang paningin sa kabuuan no'n. I faced him with a smile on my face. "Thank you." Totoo iyong ngiti ko. Mabait naman kasi ako basta mabait din ang tao. Hindi rin naman ako aakto ng masama kung walang nagtitrigger na palabasin ang side kong iyon. "Hindi libre ang pagtulong ko," sagot niya at saka ako tinignan. Nawala bigla ang ngiti sa aking labi. Nagsisimula na naman siyang mang-inis! "So paano kita mababayaran?" tanong ko, trying not to sound mean or sarcastic. "Hmm..." aniya at inilagay pa ang hintuturo sa kanyang baba na animong nag-iisip pa. I rolled my eyes. "Make it fast." "Libre mo nalang ako ng lunch," aniya habang nakahawak sa kanyang tyan. Ay wow! Kakaiba rin ang isang 'to e? I raised a brow. "Wala ka bang pera? Akala ko naman ay magpapabayad ka lang para tapos na." "I have money, pababa na kasi ako kanina para kumain eh so ayon," paliwanag niya pa. He has a point. It's lunch time so siguro ay kakain na nga siya no'n pero nakita niya lang ako kaya tinulungan niya na ako. Tumango tango ako, kinuha ko na 'yong wallet ko at phone sa bag at saka siya binalingan. "Let's go." "Let's go," aniya at pinauna pa ako. We ended up eating in Bonchon. Siya ang namili no'n at hinayaan ko nalang. I'm craving for korean style chicken and many more! Grr. "Ang takaw mo pala?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Natigilan ako sa pagkain at sinamaan siya ng tingin. "Hindi ko alam kung nang-aasar ka ba o ano." "Oh c'mon hindi ako nangiinsulto," sabi pa niya habang nakataas ang parehong kamay. Tss! "Just eat okay?" Pinandilatan ko siya. "Napakarami mong napapansin," sabi ko pa at kumain nalang ulit. Hindi naman na siya nagsalita pa after no'n kaya payapa kaming natapos kumain. Right after lunch ay kaagad din kaming bumalik sa condo. Kalalabas lang namin ng elevator ngayon. Nalaman ko rin na katabi lang pala ng unit ni Kuya ang unit niya. Grabe, coincidence ba iyon? Wait! Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya! "Why?" tanong niya kaagad nang bigla akong huminto sa paglalakad. "What's your name pala? Sorry I forgot to ask." He flashed a smile. "I'm Creed," pagpapakilala niya saka naglahad ng kamay sa harapan ko. "Oh, nice name," komento ko at nakipagkamay din sa kanya. Tsk, mas okay pala kung ganito ang unang pagkikita namin eh. Maayos sana! Tumango lang siya. "Same, your name suits you," aniya at kumindat! Hindi ko na lamang siya pinansin at nanguna nalang sa paglalakad. "Do you need help?" tanong niya bigla nang makarating kami sa tapat ng kanya kanyang unit. Nilingon ko siya at kinunotan ng noo. "Help? With what?" "Sa pag-aayos ng gamit," aniya na ikinagulat ko na naman. Wow! He's offering help na naman! I can't believe him really! "Baka naman magpalibre ka na naman niyan?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay. It's not that I don't have money, pero kasi hindi ba pwedeng tulungan niya ako na walang kapalit? Natawa siya saka umiling. "No, this is free." "Really? Wala ka bang gagawin?" "Wala naman," sagot niya agad. So I agreed and asked for his help. Inabot kami ng ilang oras sa pag-aayos palang ng iba kong gamit. Well, hindi lang clothes ang dala ko. I brought my books with me and other stuffs, kulang na nga lang ay dalhin ko na lahat ng gamit ko sa kwarto. Sandali kong pinagmasdan si Creed habang inaayos sa shelf ang mga books ko. Seryosong seryoso siya habang ginagawa 'yon. And I must admit, he has the looks. Kung hindi lang niya ako binunggo sa airport ay baka mabait na kaagad ako sa kanya. I smiled at that thought. Biglang gumaan ang loob ko sa kanya. There's something in this guy eh, hindi ko lang mapoint out kung ano. Sa kanya lang ako naging komportable ng ganito kabilis. I think I want to know him more. ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD