Prologue
Fixed Series #1 : Tied to her Half
Fixed Series#2: The Eccentric Marriage
May contain spoilers from Fixed Series #1.
***
Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are neither the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story.
Plagiarism is a crime.
Date Started: August 12, 2020
©️ellastic18
--------
I dedicate this chapter to Vashleng and just wanted to say thanks for this awesome book cover of mine, I really appreciate your effort and for those authors out there who wants some book covers, feel free to chat her, she would be glad to make some for you guys.
-----
Prologue
Kababa ko lang ng eroplano at kasalukuyan kong hinihintay ang bagahe ko. I was forced to come home, for what reason? I don't know. I was staying in London for how many years now, pagkatapos ngayon ay pauuwiin nila ako? Nasaan ang hustisya roon? I'm enjoying my life there, mas naging independent ako simula no'ng manatili ako ro'n. Tapos ngayon? Naiinis talaga ako! Kung hindi lang ako pinakiusapan nina Kuya at Ate ay hindi talaga ako uuwi.
Kaya nga ako nagpunta ng ibang bansa cause I thought they don't want me here, pero ano't pinauuwi nila ako ngayon? Something's up for sure at 'yon ang kailangan kong alamin.
Naputol lang ang pag-iisip ko nang may bumunggo sa akin. "Ouch!" daing ko. Sinamaan ko ng tingin 'yong lalaki na nasa harapan ko.
Ni hindi manlang niya ako nilingon, basta basta nalang niya kinuha ang sariling maleta saka naglakad palayo. Mabilis kong kinuha ang maletang dala at hinabol ang lalaki.
Masyado siyang mabilis maglakad, palibhasa'y matangkad kaya malalaki ang hakbang eh.
"Hey, excuse me?" tawag ko pa rito pero hindi siya lumingon. My gosh! Hindi lang pala siya siga, bingi rin? "Hey!" tawag ko pa ulit pero patuloy lang siya sa paglalakad.
Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa inis! Hindi manlang ba niya ako lilingunin? He should atleast say sorry diba? Where's his manners? Ayoko pa naman sa lahat ay iyong mga ganyan umasta. Binunggo niya ako pagkatapos ay basta na lamang siya aalis? Ano, patay malisya? Hindi ba siya tinuruan ng mga magulang niya kung paano humingi ng tawad? Nakakainis talaga!
I tried to call him once again pero ayaw niya talagang lumingon, so I have no choice but to do something, dahan dahan kong hinubad ang black pump ko at ibinato 'yon sa kanya. At dahil may katangkaran siya ay sa likod niya iyon tumama. Sayang, hindi pa natamaan sa ulo, baka sakaling maalog, matauhan at maalala niya ang ginawa niya.
Natigilan siya sa paglalakad dahil sa ginawa ko. Lumingon siya sa likuran at dinampot ang sapatos ko. Nang magtama ang paningin namin ay masama na ang kanyang tingin sa akin.
Nilapitan ko siya. "That's my shoes," sabi ko at inginuso 'yong hawak niyang sapatos.
Tumaas ang isa niyang kilay. "Ikaw ba ang nagbato nito sa 'kin?" tanong niya na may bahid ng inis.
Ngumiwi ako. "Yeah, my apologies, ikaw kasi eh, kanina pa kita tinatawag."
Okay, I didn't mean to do that naman talaga. Napilitan lang ako kasi ayaw niya talagang lumingon. Isa pa, kung hindi ko 'yon gagawin, tiyak na hindi niya ako lilingunin at papansinin.
Hindi siya makapaniwalang tumitig sa akin. "Seriously? E, hindi ko nga narinig na tinawag mo 'ko," masungit niyang tugon at basta nalang inilapag sa sahig ang sapatos ko!
Inis ko siyang tinignan bago ulit 'yon isuot. Inirapan ko siya. "Gano'n talaga kapag nagbibingi-bingihan."
"Excuse me?"
I made a face. "You didn't say sorry earlier," diretsa kong sinabi.
Muli na namang tumaas ang kanyang kilay. "Why would I say sorry to you?"
Aba kita mo nga naman talaga oh! Mukhang hindi niya pa alam ang ginawa niya sa akin kanina. Talaga bang paninindigan niya ang pagiging patay malisya niya? Grabe! Wala akong masabi sa ugali niya.
"Kasi nabunggo mo ako?" sarkastiko kong sinabi then I rolled my eyes.
Sumama bigla ang kanyang mukha. "Dahil lang doon kaya binato mo ako ng sapatos?"
Ngumisi ako nang makita ang kanyang mukha. "I didn't mean to do that, ginawa ko lang 'yon para lingunin mo ako."
He smirked. "Really? O baka naman tauhan ka ni Jaida?"
Nangunot ang noo ko roon sa sinabi niya. "Excuse me? Wala akong kilalang Jaida."
"Tss," aniya at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
So now, he's suspecting me? Damn him! Ako na nga ang nagawan niya ng mali, pero ako pa ang lumabas na parang may kasalanan sa aming dalawa. Ako pa ang napagbintangan.
Nakagat ko ang ibabang labi, sa ganoong paraan ko pinipigilang ipakita ang inis na nararamdaman. "I don't know Jaida okay? Sino ba 'yon?" tanong ko. I'm curious!
Hindi naman kasi tama na magbanggit siya ng pangalan ng tao na hindi ko naman kilala. For sure magtatanong ako at magtataka. It's weird right?
"Baliw na baliw 'yon sa akin," sagot niya at isinuot na ang kanyang shades!
Baliw na baliw daw sa kanya? Ang feeling naman ng lalaking ito! Ano bang akala niya, na lahat ng babae may gusto sa kanya? Na unang kita palang sa kanya mababaliw na agad? Wala akong masabi...ngayon palang ako nakatagpo ng ganitong nilalang. Teka tao nga ba siya? Kasi parang hindi naman...
Saka suot suot pa ng shades! Wala namang araw dito sa loob ng airport! Bilib na talaga ako sa ugali niya. Nako talaga!
Ngumiwi ako at hindi makapaniwalang tumitig sa kanya. "Baliw na baliw talaga? Bakit?" Natawa ako ng sarkastiko. "Gwapo ka ba?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
Dumilim bigla ang kanyang mukha. Marahil hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Gwapo ako sa paningin ng mga babae."
Sarkastiko na naman akong natawa na siyang nagpainis lalo sa kanya. "Sa kanila lang, hindi sa akin."
"Tapos kana ba?" bigla niyang tanong na ikinagulat ko.
Hindi ako nakasagot at nanatiling nakatingin sa kanya. This guy is really something! Naiinis ako sa kanya at sa ugali niya!
"Kasi kung oo, aalis na ako," dagdag niya at ngumisi.
Aalis? Aba dapat lang! Dahil baka kapag hindi ko natagalan ang pangit niyang ugali ay masapak ko nalang siya bigla. Hindi kasi talaga uubra sa akin iyong mga ganyang tao. Dapat sa mga ganyan tinuturuan ng leksyon.
"Sige na, umalis kana," asik ko. Baka isipin pa niya na gusto ko siyang magtagal dito eh. Nakakahiya naman sa kanya diba?
Bahagya niyang ibinaba ang shades at kinindatan ako bago tuluyang tumalikod at maglakad palayo. Inis ko siyang sinuyod ng tingin! Nakakainis!
Mabilis kong hinila ang maleta ko at lumabas na ng airport, ngunit gano'n nalang ang gulat ko nang maabutan na naman ang lalaki. Natigilan ako at hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan.
Nagtama na naman ang mata naming dalawa. Lumapit siya sa akin habang nakangisi. Gosh ang feeling talaga!
"Sinusundan mo ba ako?" tanong niya agad.
Naiyukom ko ang kamao sa sobrang inis. "Asa ka!" asik ko at inirapan siyang muli.
"What's your name?" tanong niya na ikinainis ko pa lalo!
At talagang interesado pa siyang malaman ang pangalan ko? Talaga bang wala siyang kahiya hiya sa katawan? Sino ba siya sa tingin niya? Sikat ba siya? Kasi kung hindi, dapat umakto siya ng naaayon hindi iyong ganyan.
Saka close ba kami para sabihin ko ang pangalan ko? Baka mamaya, budol budol pala siya diba? O kaya member ng kung anong gang! Or worse isang mafia!
Usually pa naman ganoon, sa mga kwento palang na nababasa ko e puro mga gwapo 'yong mga ganoong tao.
Inis ko siyang tinignan. "Why do you want to know? We're not even close duh!" maarte kong tugon. Inalis ko na rin ang pagkakayukom ng kamao ko dahil baka mapansin niya pa at pagisipan na naman ako ng masama.
Natawa siya sa inakto ko. "You're really something!" naiiling na aniya.
I didn't give any response, maya maya lang ay dumating na ang driver na inutusan nina Kuya para sunduin ako. Sa wakas! Makakaalis na rin ako at hindi ko na kailangan pang kausapin o pakisamahan itong tao na 'to.
Bumaba iyong driver sa sasakyan at mabilis na lumapit sa akin. "Ma'am Dauntiella akin na po 'yang mga gamit niyo," ani kuya Noel.
Grabe it's been so many years, and til' now nagtatrabaho pa rin siya sa amin, buti nakatagal siya. Ang inaasahan ko pa naman ay ibang driver ang susundo sa akin, pero nagkamali ako.
Nginitian ko siya at saka ko tuluyang ibinigay ang mga gamit ko. "Masaya po ako na ikaw ang sumundo sa akin, by the way, salamat po," magalang kong sabi.
Tumango lang siya at ngumiti saka inilagay sa loob ng sasakyan ang maleta at bags ko.
"Hmm, Dauntiella pala ang pangalan mo," nakangising sabi no'ng lalaking mayabang.
Inirapan ko ulit siya. "Ano naman sa 'yo?"
Umiling siya. "Wala lang, sige mauuna na ako, nandyan na 'yong kotse ko," aniya at itinuro 'yong gray na ferrari.
Hmm. Nakaferrari, mayaman siguro siya. Kaya naman pala ganoon ang ugali kasi mayaman. Siguro'y spoiled brat din...
"Okay, bye," sabi ko pa pero hindi na siya lumingon pa at nagtuloy tuloy na papunta sa sasakyan niya.
Mula roon ay sinalubong siya ng isang lalaki na nasa mid 40s na siguro. Nagusap pa sila saglit bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.
Nawala lang ang atensyon ko sa lalaki nang bigla akong tawagin ni Kuya Noel. "Ma'am tara na po," aniya at pinagbuksan pa ako ng pinto.
Muli kong sinulyapan ang papalayong sasakyan no'ng lalaki bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan namin.
He's very strange, tsk napakayabang pa! Gwapong gwapo sa sarili! Hindi ko kinaya.
Kauuwi ko lang ng bansa pero ganoon na kaagad ang nangyari. Aish! Sana pala hindi na ako umuwi!