The Only Man Mini Book 2 AiTenshi Sept 1, 2021 Part 52 JAO POV "Ikaw na yung artist, ikaw na yung astronomer at ikaw na yung anak ng business tycoon!" ang hirit ko habang nakatawa. "At ikaw naman anh "the only man," ang wika niya sabay tapik sa aking balikat. "The only man? Bakit naman? Parang double meaning yata iyon," wika ko sabay upo sa damuhan. Alas 10 na ng gabi at ang tanging tanglaw nalang namin ay ang liwanag mula sa lights ng studio ni Clark na kinuha niya at itinayo sa labas. "Gagawa kasi ako ng bagong magazine ng Bright Smile studio, ang mags ay every anniversary lang naming inilalabas at ibenebenta sa merkado. At ikaw ang napili kong i-feature. Ang title ng cover ay “The Only Man” which is pertaining sa isang perfect na lalaki in terms of career at sa personality na

