The Only Man Mini Book 2 AiTenshi Sept 2, 2021 Part 53 BRIX POV Araw ng Sabado, naisipan kong puntahan si Gio sa kabilang siyudad kung saan siya umatend ng pictorial para sa isang brand ng sports attire. Paano ko na laman kung nasaan siya? Madali lang naman dahil pasimple akong rumerekta kay Victor. Wala naman kamalay malay yung tao na mayroon akong hidden agenda kay Gio. Nagdala ako ng lunch para sa kanya, gusto kong ibalik yung dati, kung paano ako mag alaga bilang kasintahan at bilang isang ka live in partner. Hahayaan ko siyang bumalik kay Jao at perahan ito pagkatapos ay sa akin siya uuwi pag sasaluhan namin ang masasayang sandali. Si Gio ay para sa akin at walang sinuman ang maaaring umangkin sa kanya. Hindi ko maunawaan ang aking sarili ngunit kay Gio lamang ako nakatikim ng

