The Only Man Mini Book 2 AiTenshi Sept 3, 2021 Part 57 JAO POV "Oo tama kayo, planado ko ang lahat at kung inaakala niyong tapos na ay nagkakamali kayo dahil ngayon pa lang ako gaganti sa paninira niyo sa buhay ko! Akala niyo ba ay nakalimot ako? Hindi ako nakalimot at hindi matatahimik hanggang hindi kayo binibigyan ng aral na hindi niyo malilimutan! Minsan ay kailangan ituro sa inyo ng mundo ang isang mahalagang leksyon sa pinakamasakit na paraan para matadaan ninyo ito. At ito ang araw na hinihintay ko! Gio, ilang buhay ang sinira mo? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Ang pagbibigay ko sa iyo chance ay sincere, tapat at bukal sa aking loob. Gusto kong maging patas sa iyo at ayokong dumating ang araw na isumbat mo sa akin hindi man lang kita binigyan ng pagkakataon. Noong pumayag

