The Only Man Mini Book 2 AiTenshi Sept 3, 2021 Part 56 JAO POV Tila isang magandang musika sa aking pandinig ang naririnig kong murahan at sigawan sa loob ng dating apartment ni Brix. Ako ay nakaupo lang sa aking sasakyan na kunwari nakaparada lang sa kalapit bahay. Dito na ako lumabas, dumaan ako sa sala dahil alam kong sa kusina nagaganap ang pagbubuno ng mga bidang tauhan sa aking reality show. Ang lahat ay umayon sa aking plano, eksaktong eksakto na parang lahat ay scripted. Pumalakpak ako ng malakas at noong lumakad ako sa kusina ay laging gulat nila noong makita akong nakatayo sa kanilang harapan. At ang pinaka nagulat sa lahat ay si Gio na noon ay nakatalungko sa isang sulok, nakatakip ang mukha, hubo’t hubad. Samantalang si Brix naman ay wala ring saplot, puro katas ang bin

