The Only Man Mini Book 2 AiTenshi Sept 3, 2021 Part 55 BRIX POV Tila isang malaking bangungot ang nangyari sa akin doon sa loob sa ng AVR at sa mga gabing napapanaginipan ko ito ay naiiyak na lamang ako hanggang sa balutin ako ng dipresyon at matinding kalungkutan. Hindi na ako nagparamdam pa sa campus kung saan ako nag wowork. Nag deactivate na rin ako ng social media at umiwas dito. Mas mabuti pang pahupain na lang muna ang issue. Extinction ika nga, huwag itong pansinin at hayaang mawala na lang ng kusa. Ngunit gayon pa man ay hindi pa rin ako makarecover sa hindi matatawarang lungkot bagamat umalis na ako sa kasalukuyan kong apartment na tinitirhan dahil pinupuntahan ako ng mga students doon para tuksuhin o kaya pagtampulan ng tuwa. Kaya naman nagpasya akong bumalik na lang dito

