The Only Man Mini Book 2 AiTenshi Sept 1, 2021 Part 50 BRIX POV “Gio, why are you avoiding me? Gusto lang kitang makausap,” ang tanong ko sa kanya habang lumalakad ito, alam kong tumatakas siya at hindi ako papayag na maakalis siya ng ganoon na lang! “Brix, wala na tayong pag uusapan, kalimutan na natin ang mga nangyari sa past, matagal na iyon at kung ano man yung naging problema natin sa isa’t isa ay kalimutan na rin natin, maaari ba iyon? Patahimikin na natin ang buhay natin, maging masaya na lang tayo,” ang sagot nito habang nakatitig sa aking mga mata. Kunwari ay natawa ako ngunit nagsimula na akong makaramdam ng kirot sa aking dibdib, “Ang OA mo naman, casual talk lang naman ang kailangan ko, closure yung pormal. Ex mo ako at deserve ko naman siguro ng kaunting

