The Only Man Mini Book 2 AiTenshi Aug 31, 2021 Part 49 GIO POV "Congratulations sa success ng event mo last day. Sorry at hindi ako nakapunta dahil pagkatapos ng event sa Bacolod ay nagkasunod sunod na rin ang work," ang wika ko kay Jao sabay abot ng bulaklak sa kanya. Naglakas loob akong magtungo sa opisina niya para lang makita siya. "Okay lang, alam ko naman na busy ka kaya't hindi kita iniistorbo," ang wika nito habang nagtitimpla ng kape at inilapag iyon sa aking harapan. "Ngayon pa lang rin ako nakakapagpahinga pagkatapos naming irush yung event last day. Kumusta yung mga works mo? Yung pamilya mo? Kumusta sila?" "Maayos naman ang trabaho ko at alam mo ba na natubos ko na yung lupa na isinangla ni Itay, balik na ulit sa amin ang titulo nito sa susunod na anihan. Ilang buwan k

