The Only Man Mini Book 2 AiTenshi Aug 31, 2021 Part 48 BRIX POV "Okay para sa inyong assignment, Define urban planning and urban design. And give at least 3 example to each terminalogies," ang wika ko habang inaayos ang aking mga gamit. "Yun lang po sir?" tanong nila. "Yes, lets call it a day! Dismiss!" ang wika ko naman habang nakangiti. "Goodbye sir!" "Goodbye," ang tugon ko rin. Matapos ang halos dalawang taon, matapos ang iskandalong kinasangkutan ko ay mas pinili ko na lamang manahimik at lumayo kahit na nagbigay ito sa aking ng ibayong sakit. Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal si Gio, ibinigay ko ang lahat sa kanya, halos isang mahigit rin kami naglive in. At ang masakit ay walang closure sa pagitan naming dalawa. Ang lahat ay nauwi sa mapait na trahedya lalo na noong mah

