Kanina pa palakad-lakad si DJ sa kaniyang opisina at hinihintay ang nag-iisang babaeng mag-aapply bilang sekretarya niya. Ano ba itong nangyayari sa kaniya? Hindi dapat siya mabahala! Hindi dapat siya magpa-apekto rito! Bumuga siya ng marahas na hininga. "Hindi ka dapat mabahala. Siya ang may kasalanan hindi ikaw! Kaya kailangan mong maging mahinahon," pagkausap niya sa sarili. Napailing-iling siya. Para siyang baliw sa ginagawa niya. Babalik na sana siya sa kaniyang swivel chair ng may kumatok. Bumukas iyon at pumasok si Jazzie. "Sir, narito na po si Desiree. Papasukin ko na po ba?" magalang nitong tanong. Tumango-tango siya. "Sige, papasukin mo na," tugon niya. Nang makatalikod si Jazzie ay inayos niya ang sarili. Napatingin siya sa pntuan ng pumasok ang isang maputing babae. Napatit

