Chapter 30-Desiree's Determination

1297 Words

Thanks for making me happy today, babe," sabi ni Antonette kay DJ ng nakahiga na sila sa silid ng kaniyang opisina at nasa tabi niya ito. Napatingin siya sa wall clock ng kaniyang kuwarto. Pasado alas trs na pala ng hapon. Biglang naisip niya si Desiree. Hindi pa pala ito nag-lunch. Nakaramdam siya ng awa sa dalaga. Hindi rin maganda ang nagpapalipas ng gutom. Oo, nasaktan siya ng dalaga pero hindi maganda na pati pagkain niya ay ibawal niya. Tumayo siya. Nagtatakang tiningnan siya ng girlfriend. "Saan ka pupunta?" tanong nito. Isinuot niya ang white boxer shirt saka isinunod ang white long sleeve barong. "Madami pa akong gagawin. Umalis ka na Antonette," utos niya sa babae. Bumuntong-hininga ito saka tumayo at sinuot ang damit. Nang matapos ay lumapit ito saka hinalikan siya sa pisngi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD