Napabuga ng malalim na hininga si Desiree pagkalabas niya ng opisina ni DJ. Madaming negatibong bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan. Gaya ng baka papahirapan lang siya na hindi malabong mangyari. Ano ang rason at bakit siya gagawing katulong kung hindi dahil sa intensiyon nitong mahirapan siya? Kinakabahan siya lalo at mananatili siya sa mansiyon nito. Kaya niya ito! Hindi siya magpapadaig sa takot. Pagkakataon na rin niya ito para bumawi rito. Gagawin niya ang lahat pero kung kulang pa iyon susuko na siya. Pagkatapos ng trabaho niya ng araw na iyon ay umuwi na siya. Nag-jeep siya pauwi dahil gagabihin daw si Jazzie. Hindi na niya hihintayin para mauna na siya at makapag-luto man lang siya. Ito na ang huling gabi na makakasama niya ang kaibigan. Nang makarating, nagprepara na siya ng lu

