Chapter 32- Simula ng Paghihiganti

1178 Words

Malakas na napabuntong-hininga si DJ pagkapasok niya sa kaniyang silid. Inihagis niya ang coat sa kama at napasabunot sa kaniyang buhok. Naiinis siya sa sarili! Kanina ng makita niya si Desiree na nagluluto habang kumakanta, hindi niya mapigilan ang sarili na pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Dalagang-dalaga na ito tingnan hindi gaya noon na parang nene lamang. Mas lalong gumanda rin ito at naging bilugan ang katawan. Lalo na noong ngumiti ito sa kaniya. Mas lalo siyang hindi nakakilos, sinadya niya lang talaga na hindi ito pansinin. Itutuloy pa ba niya ang paghihiganti? Biglang sumagi sa isip niya ang nakaraan. Iyong mga sandaling iniwan siya nito ng walang dahilan. Iyong halos ibigay na niya ang lahat dito pero nagawa pa rin siya nitong iwan. "Itutuloy ko ang nasimulan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD