Habang nagpapatuloy ang selebrasyon ng kaarawan ni Jacob ay napansin ni Az na umalis sa upuan si Danica. Hinabol niya ito at sinundan sa loob ng bahay. "Az, where are you going?" tanong ni Rosalyn nang biglang tumayo sa upuan ngunit parang walang narinig si Az na mabilis na sinundan si Danica ngunit hindi iyon napansin ni Rosalyn. Patuloy na lang siya sa panonood ngunit maya-maya lamang ay nakita niya na wala sa upuan niya si Danica. Doon na nagkaroon ng hinala si Rosalyn. Naisip niya na sinundan ni Az si Danica kaya nilapitan niya si Ma-an at Paola. "Excuse me, where is your friend?" mataray na tanong ni Rosalyn. "And why are you asking?" bawi naman ni Danica na nag-cross arms pa. "Look, I don't have any time for making any chitchat with you right now. Just tell me where the hell is y

