bc

Teach Me I Love You

book_age16+
2.7K
FOLLOW
12.1K
READ
drama
tragedy
comedy
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

Si Danica, isang private school teacher na niloko at pinagtaksilan ng kasintahan. Ngunit nang makilala niya si Az ay nagbago ang tingin niya sa mundo. Everthing was fine then. She fell in love with him and thaught that it was the happy ending of her life but it's not. It's just the beginning of her trials in love after all.

Si Az, isang app developer ng isang malaking kumpanya at nagkaroon ng kasintahan na balak na sana niyang pakasalan ngunit sa isang iglap gumuho ang lahat nang tanggihan siyang pakasalan ng kanyang kasintahan. They both end up with heartaches but they found each other to fix every pieces of their shattered heart. But the question is, do they really fell in love or someone will just making a fall back so they can escape from the past?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
    Lulan ng isang magarang sasakyan. Bumaba ang isang magandang binibini na nakasuot ng magandang traje-de-boda. Bumukas ang tarangkahan ng simbahan at dahan-dahang naglakad ang babaeng nakasuot ng pangkasal habang hawak ang bungkos ng bulaklak sa mga kamay. Tumugtog ang banda ng isang love song habang ang nobyo naman niya ay nasa dulo ng simbahan at hinihintay ang kaniyang paglapit. Tila isang prinsesa nang alalayan siya ng makisig na nobyo paakyat sa altar.                 "You may kiss the bride,"  anunsyo ng pari.                 Unti-unting tinanggal ng nobyo ang belo ng kaniyang nobya upang ito'y halikan. Dahan-dahang pumikit ang nobya at hinintay ang paglapat ng labi ng kaniyang nobyo. Ngunit tila wala siyang balak itong halikan dahil ilang segundo na ay hindi pa rin niya nararamdaman ang paglapat ng labi nito sa kaniya kaya nagdesisyon siya imulat muli ang mga mata. Ngunit laking gulat niya nang makita niya ang pamilyar na mukha. Hindi iyon ang kaniyang nobyo kundi ang kaniyang...                 "Ate Danica!"  bulyaw sa kaniya ng kantang kapatid.                 Bigla siyang napapiglas sa pagkakahiga nang marinig ang sigaw ng nakababata niyang kapatid na si Dan. Ang makulit at bibong bata na may katabaan. Singkit ang mga mata at mataba ang pisngi nito. Nakaupo ito sa kama ng kapatid at biglang nagsisigaw upang gisingin siya. Halos matawa ang bata nang manlaki ang mata ng kapatid na si Danica nang magising ito.                 "Ano ba, Dan?! Bakit ka ba sumisigaw? Istorbo ka sa pagtulog ko! Ang ganda pa naman ng panaginip ko!"  reklamo ni Danica sa kapatid na sa kasalukuyan ay nasa pitong taon pa lamang.                 "E,  ano ba kasi ang nasa dreams mo." tanong ni Dan.                 "Wala ka na doon!"  bulyaw niya.                 "Kaya pala kanina paganito-ganito ka habang natutulog,"  wika ni Dan sabay panguso-nguso. "Siguro may ni-ki-kiss ka sa dreams mo." dugtong niya.                 "Kabata-bata mo pa, 'yan agad ang nasa isip mo! Teka, bakit ka ba nandito?!" tanong  niya.                 "E,  kasi sabi ni nanay gisingin na raw kita kasi may pasok ka,"  saad ng batang si Dan at lumabas na ng kwarto ng ate niya. "Nanay, gising na po si ate! May ni-ki-kiss po sa dreams niya!" parinig sa ate ng batang si Dan habang pababa ng hagdan. Napairap na lamang si Danica sa narinig.                 "Oh! Sh*t! Late na ako!" napatayo si Danica sa kama nang silipin ang cellphone niya.                 *6:51*                 Kaagad niyang inayos ang mga gamit at naligo. Mabilis na nagbihis at bumaba ng kwarto.Umabot lang ng sampumg minuto ang pag-aayos niya sa kaniyang sarili. Talent na yata ng karamihan sa guro ang magkaroon ng time management sa ibang gawain sa loob at labas ng classroom pero hindi nila mabigyan ng oras ang pag-aayos sa sarili kapag papasok sa eskwelahan. Isa na rito si Danica.                 "Nanay, aalis na po ako."  Nagmamadaling kinuha ni Danica ang flat shoes sa shoe rack.                 "Oh! Hindi ka man lang ba kakain."  tanong ng ina kay Danica.                 "Hindi na po, late na ako E, ,"  wika nito habang nagmamadaling isinusuot ang sapatos niya.                 Kaagad siyang lumabas ng kanto ng barangay nila naghintay ng jeep na masasakyan. 7:30 ang klase niya kaya mayroon na lamang siyang mahigit bente minutos para makarating sa kaniyang pinapasukang eskwelahan. Isang guro si Danica sa pribadong paaralan kung kaya't madalas siyang napupuyat sa paggawa ng lesson plan at instructional materials sa pagtuturo. Sa taas na 5'4" ay madalas siyang napapagkamalang estudyante at hindi guro. Makapal ang kilay ni Danica at may pagkamorena. Palaging nakapuyod ang buhok niya upang hindi mahalata na sabog at parang alambre sa tigas ang ayos ng kaniyang buhok kapag hindi ito nakatali. Tanging lipstick lang ang ayos niya at kung minsan naman ay ito na rin ang ginagamit niya sa kaniyang pisngi para makabawas sa oras ng pag-aayos. Mahalaga ang bawat segundo sa trabaho ni Danica. Kaya dapat mabilis siyang kumilos.                 "Ano ba 'yan?! Five minutes na wala pa ring jeep!"  angal ni Danica na tila naiihi dahil hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan.                 "Bahala na nga,"  wika niya sa sarili nang magdesisyon siyang maglakad papunta sa terminal ng jeep na hindi kalayuan sa kanila.                 Nagmamadaling maglakad si Danica ngunit alam na niyang late na siya sa kaniyang unang klase kaya kaagad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinext niya ang isa niyang co-teacher "Teacher Ma-an, baka pwedeng bigyan mo muna ng—"                 Hindi naituloy ni Danica ang tina-type niya sa kaniyang cellphone nang biglang may sasakyang tumigil sa harap niya at bumusina.                 Sumalimpad ang mga papel na hawak ni Danica at maging ang cellphone niya ay tumilapon sa kalsada.                 "Ano ba?! Bulag ka ba?! Hindi mo ba nakikitang naglalakad ako?! Bumaba ka diyan!"  bulalas ni Danica hanggang bumaba ang isang lalaki sa driver's seat ng kotse.                 "Hindi ako bulag! Do you even know that you're walking on the main road! Ayan 'yong side walk ooh!"  wika ng lalaki sabay turo sa side-walk.                 May katangkaran ang lalaki, moreno at may malalim na mata. Malapad ang balikat nito at may matangos na ilong na bumagay sa manipis nitong mga labi. May kakapalan ang kilay ngunit pumantay lang sa kaniyang mukha at may army-cut na buhok. Napatitig sandali si Danica sa nakitang anyo ng binata.                 "E-E,  bakit ba? Sa gusto ko ditong maglakad? Daan mo ba 'to? Ayala Street ba ang pangalan mo."  wika ni Danica nang maibalik ang muwang mula sa pagkabighani sa binata.                 "Iyo rin ba 'tong daan para maglakad ka rito? Anong palagay mo sa main road? Ramp stage at ikaw ang ram model."  Hindi magawang makatugon ni Danica. Oo nga naman, bakit nga ba naman doon siya naglalakad. Pero kailangan niyang makaisip ng paran para makalusot. Hindi siya papayag na magpapatalo siya sa lalaking nasa harapan niya. Kahit kasing guwapo pa ito ng crush niyang si Piolo Pascual.                 "Oo, Ram model ako. Kita mo naman sa suot ko 'di ba."  Inilahad niya ang katawan na parang Miss Universe sa lalaki.                 "Tss! Crazy, sa susunod na makita kita ulit mapapahiya ka ta talaga. Pasalamat ka lang at nagmamadali ako," ito na lang ang sinabi ng binata sabay padabog na isinara ang pinto ng kaniyang sasakyan at pinaharurot ito. Naiwan naman si Danica na pinagtitinginan ng mga tao sa daan. Katabi lang naman niya ang gutter ng side walk pero mas pinili niyang maglakad sa main road.                 "Hambog!" bulyaw ni Danica habang isa-isa niyang pinupulot ang mga papel na nalaglag. Pero naisip niya sa sarili na sobrang nakakahiya ang ginawa niya. Napahilamos  na lang siya sa mukha paraan upang saglit na makalimutan ang kahihiyang nangyari sa kaniya. Nang pinulot niya ang kaniyang cellphone ay ganoon na lamang ang pagkayamot ng kaniyang mukha dahil basag ang screen nito ngunit gumagana pa naman kahit papaano.                 "Tss! Bakit ba ang malas ng araw na ito."  reklamo niya.                 Nangangarag si Danica nang makarating siya sa eskwelahan, mabuti na lamang at wala roon ang principal nila dahil umattend ito ng seminar. Tanging mga co-teachers lang nila ang naroon kaya laking pasasalamat niya. At isang normal na araw para sa katulad ni Danica na isang guro ang nangyari sa kaniya nang umagang 'yon.                 "Teacher, saang parlor ka nagpaayos? Iiwasan namin."  pang-aasar ng mga co-teacher ni Danica sa kaniya sabay tawa pero balewala lang ito sa kaniya dahil kaibigan naman niya ang mga ito at sanay na siya sa mga pang-aasar ng mga ito.                 "Sige tawanan ninyo pa ako! Ewan ko ba? Parang ang malas ko ngayong araw na ito. Tapos kanina muntik pa akong mabangga ng isang napakaaroganteng lalaki,"  paliwanag niya habang inaayos ang sarili.                 "E,  bakit ka ba kasi na-late."  tanong ng co-teacher niyang si Ma-an.                 "Dahil nga roon sa muntik nang sumagasa sa akin kanina, uulitin ko pa ba? Sige na! Kailangan ko pang mag-lunch at may susunod pa akong klase."                 Katatapos lamang niya sa kaniyang klase. Lunch break na at magsisiuwian na ang mga bata mula sa morning session kaya kailangan na niyang maghanda sa susunod na klase.                 Akma siyang lalabas papuntang canteen ngunit isang pamilyar ang nakita niya mula sa corridor ng paaaralan.                 "OMG! Bakit siya nandito?!"  gulat na tanong ni Danica sa sarili.                 "Sino teacher."  tanong ni Paula. Isa sa mga co-teacher ni Danica na kaibigan niya rin.                 Sabay na tumingin si Paula at Ma-an mula sa labas.                 "Teacher, siya 'yong sinasabi kong aroganteng muntik nang sumagasa sa akin kanina,"  bulong ni Danica sa mga kaibigan niya.                 "Hindi mo naman sinabi sa akin na ang yummy pala niya,"  wika ni Ma-an sabay subo ng french fries na kinakain niya.                 "At tsaka bakat ''yong... chess figure niya sa white shirt niya ha."  pilyang tugon naman ni Paula.                 "Ano ba kayo? Ang lalandi ninyo teacher, ha? Itago niyo nga ako."  kinakabahang wika ni Danica dahil sa oras na makita siya ng lalaking iyon ay katakot-takot na kahihiyan ang mangyayari sa kaniya.                 Panay ang taklob niya sa kaniyang mukha ng kaniyang class record habang sinisilip ang lalaki mula sa labas lang ng pintuan ng faculty at tila may hinihintay ito mula sa corridor ng paaralan. Ngunit sa 'di sinasadya ay biglang napatingin ang lalaki sa kinaroroonan niya at kitang-kita niya ang pagsipat nito sa kinaroroonan niya. Napakagat ng labi si Danica sa kaba dahil unti-unting humakbang ang lalaki papasok sa faculty at lumapit sa table niya.                 "Excuse me, miss."  wika nang lalaki na ngayon ay nasa harapan na niya ngunit tinatakpan pa rin ni Danica ang kaniyang mukha gamit ang class record niya.                 Kabado at nagtataka si Danica. Bakit at paano nalaman ng lalaking 'yon kung saan siya nagtuturo at paano siya nasundan nito?  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
86.9K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.5K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.8K
bc

OSCAR

read
227.1K
bc

My Son's Father

read
583.2K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook