Chapter 2

1793 Words
                  "Excuse me, miss," wika ng lalaki na nasa harapan ni Danica.                 "Ah,  yes po? May kailangan po ba kay?" ani Danica habang nakataklob pa rin ang class record sa mukha.                 "I am looking for teacher Danica? Do you know her?" tanong ng lalaki na lalong ikinakaba ni Danica. Paano niya nalaman ang pangalan niya at bakit alam niya na teacher siya?                 "A-ahm, ako 'iyon. Ano pong kailangan ninyo?"  nanginginig na tugon ni Danica.                 "Susunduin ko po sana si Jacob. Nasaan po ba siya?"  muling tanong ng lalaki.                 "A-ah! Hi! I'm teacher Ma-an, I am the head teacher here. You can fetch Jacob at teacher Danica's classroom," singit ni Ma-an dahil nahalata niyang parang hihimatayin na si Danica sa kaba. Agad naman siyang kinamayan ng lalaki.                 "Thank you, teacher," wika naman ng lalaki.                 "You're welcome, Sir? Are you the father of Jacob?" usisa ni Ma-an na tila may pagnanasang tinig sa kaniyang boses dahil bahagya itong lumiit na tila kinikilig.                                 "No, teacher. He's just my friend's son. Binilin lang siya sa akin ng kaibigan ko,"  paliwanag naman niya.                 "Ow! Okay." Ito na lang ang tanging nabanggit ni Ma-an ngunit sa loob-loob niya ay natuwa siya dahil binata pa ang lalaking nasa harapan niya. Tila nagkapag-asa siya sa nalaman.                 "By the way... thank you, teacher. I need to go," paalam ng lalaki sa kaniya ngunit bago umalis ay muling tiningnan si Danica na hanggang ngayon ay nakataklob pa ng class record sa mukha.                 "Teacher Danica, right?" muling baling ng lalaki sa kaniya.                 "Y-yes," ani Danica.                 "Have we met before? You really sounds familiar,"  nagtatakang tugon ng lalaki.                 "A-ah! No! Baka nagkakamali lang po kayo," palusot ni Danica na napakagat pa sa labi dahil sa kaba. Nagkibit-balikat na lamang ang lalaki at umalis na. Nang makaalis na ang lalaki ay dahan-dahan na niyang inalis ang class record na nakaharang sa mukha, inilapat ang kaniyang likod sa swivelling chair at huminga nang malalim.                 "Tingnan mo kung gaano kaarogante ang lalaking iyon. Basta na lang pumasok dito sa faculty," angil ni Danica sa dalawang kaibigan.                 "Para namang hindi ka sanay, teacher. E, minsan nga parents na nagrereklamo 'yong bigla na lang pumapasok dito na wala man lang paalam," paliwanag ni Paula habang may sinusulat sa table niya na nasa tabi lang ng table ni Danica.                 "Tsaka, hayaan mo na. At least may bago tayong nakitang aroganteng tao na bigla na lang pumapasok dito sa faculty," paliwanag ni Ma-an na tila kinilig.                 "Wait! Silipin ko nga siya," wika ni Paula.                 "What?! No!" pigil naman ni Danica.                 "Ano ka ba, girl? Hindi naman niya ako kilala kaya okay lang iyon," paliwanag ni Paula.                 "Oo nga, tsaka kung ayaw mo sa kaniya. Akin na lang. Mukha namang walang jowa, e," saad ni Ma-an.                 Kaagad na nagtungo ang dalawa sa pintuan at sinilip ang lalaking susundo sa estudyante ni Danica na si Jacob. Inilawit lang nila ang ulo nila sa pintuan upang hindi mahalata. Unang bumungad ang ulo ni Paula, pumagitna si Ma-an at nasa itaas na bahagi naman si Danica.                 "Hi, Tito Az!" salubong ni Jacob na nakita ng tatlong magkakaibigan.                 "Ow! Hi, Az," nakangiting bulong ni Paula sa dalawa.                 "I like that... Az," makahulugang dugtong naman ni Ma-an.                 "Tss! Mga jologs!" angil naman ni Danica ngunit patuloy pa rin sila sa pag-usisa sa lalaki na nalaman nila na Az ang pangalan.                 "Are you done fixing your things, Jacob,"  wika ng lalaki kay Jacob nang lumuhod ito para pumantay sa kaniya.                 "Yes, tito!"  masayang tugon ng batang si Jacob.                 "So, let's go? Your daddy is waiting for you at the office,"  wika ng lalaking si Az.                 "Okay po,"  bibong tugon ni Jacob at hinawakan ang kaniyang tito sa kamay bago naglakad sa corridor papalabas ng paaralan.                 Agad na naalarma ang tatlo kaya mabilis silang pumasok sa loob ng faculty at nagsibalik sa kanilang mga table. Nang makita nilang lumampas na si Jacob at ang lalaki ay lumapit si Paula at Ma-an sa table ni Danica.                 "Girl, siya ba ang dahilan kung bakit ka nalate kanina?"  usisa ni Paula.                 "Oo! Napakayabang niya porke't may kotse siya," angil ni Danica.                 "Galit na galit? E, kung ako mababangga niya magpapanggap akong nahimatay para buhatin niya ako like-a-bride at dalhin sa pinakamalapit na ospital," wika ni Ma-an na tila may imahinasyong nabuo sa isipan.                 "Ewan ko sa inyo! Kung 'di ko lang kayo kilala iisipin kong hindi kayo teacher sa mga sinasabi ninyo," ani Danica.                 "Ay! Judgmental si ate? Hindi na ba p'wedeng magka-appreciate ng kaguwapuhan tayong mga guro."  tanong ni Paula.                 "Big check! Tsaka tigilan mo nga yang bitterness mo sa katawan. Tatanda kang dalaga niyan E, ," dugtong naman ni Ma-an.                 "Excuse me! May boyfriend ako, ano? Si Paul!" pagyayabang ni Danica sa kaniyang kasintahan na si Paul.                 "Sino? 'Yong jowa mo na mukhang bisugo na halos ibigay mo na ang suweldo mo kasi walang trabaho? Naku, girl! Hiwalayan mo na iyon. Mamumulubi ka roon," paliwanag ni Ma-an.                 "Tsaka tingin ko nilokoko ka n'on,"  dugtong naman ni Paula.                 "Naku! Ewan ko sa inyo, diyan na nga kayo at may klase pa ako," wika naman ni Danica na kaagad kinuha ang gamit niya at lumabas na ng classroom. *****                 Nang matapos ang maghapon ni Danica sa klase ay nakipagkita siya sa kasintahang si Paul sa labas. As usual, sagot na naman niya ang date nila.                 "How's your day, Hon." tanong ni Danica kay Paul na kasalukuyang kumakain ng kaniyang in-order na pagkain. Katatapos lang ng afternoon class ni Danica kaya inanyayahan niya ang kasintahang si Paul sa isang karinderya.                 "Okay lang," tipid na tugon ng kaniyang kasintahan na kasalukuyan pa ring kumakain.                 "Paul, are you free tomorrow? Pwede ba tayong manood ng sine? May movie kasi ako na gustong panuorin. E, last full show na kasi bukas," pakiusap ni Danica sa kaniyang kasintahan.                 "Naku, Hon. May importante kasi akong lakad bukas. P'wede bang next time na lang," tugon naman ni Paul na nagpakirot sa damdamin ni Danica.                   Dalawang taon na rin sila ni Paul. Hindi rin kalayuan ang edad nila dahil buwan lang ang tanda niya rito kaya madalas nagkakasundo sila sa mga bagay. Para sa kaniya, average guy lang si Paul. Hindi ganoon kaguwapuhan at hindi rin naman kapangitan. Bilog ang mga mata, matangos ang ilong na may pagkamoreno. Isang pulgada lang ang tangkad ni Paul kay Danica kaya naman mas gusto niyang naka-flat shoes kapag magkasama sila dahil naaasiwa raw si Paul kapag nakasuot siya ng high-heels dahil medyo natatangkaran daw siya ni Danica.                 "Okay."  Ito na lamang ang tanging naitugon ni Danica sa kasintahan. Ayaw na niyang magkaroon ng argumento dahil isa pa, pagod na rin siya sa trabaho. Sa halip ay ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain niya.                 Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na sila sa pagkain na hindi man lang nag-uusap o nagkakwentuhan.                 "Let's go, Hon," anyaya ni Paul.                 "Ha? Ang aga pa, o. Hindi ka man lang ba magkukwento sa mga nangyari sa iyo buong maghapon?"  tanong ni Danica.                 "Pagod na kasi ako, saka maaga pa alis ko bukas. May interview kasi ako si in-apply-an kong trabaho,"  paliwanag ni Paul.                 "A, ganoon ba? Sige, Hon. Let's go,"  wika naman ni Danica.                 Kaagad niyang inayos ang kaniyang mga gamit at sinundan si Paul kung saan nakaparada ang motor nito. Umangkas siya sa likod ng kasintahan. Inaayos pa lamang ni Danica ang gamit nang biglang patakbuhin ni Paul ang motor kaya muntik na siyang malaglag. Mabuti na lamang at nakahawak siya kaagad sa baywang nito. Trenta minutos lamang ang lumipas nang makarating sila sa bahay ni Danica. Hindi naman kalayuan ang karinderya sa bahay nila kaya mabilis silang nakarating.                 "Paano, Hon? Text na lang kita kapag magkikita tayo," ani Paul nang makababa si Danica sa motor. Tumango na lamang siya at kaagad na pinatakbo ang motor. Ni hindi man lang nagawang mag-goodnight kiss sa kaniya. Lumakas ang kutob ni Danica na tila may ginagawang kalokohan ang kasintahan sa kaniya. Kaya nang makaalis si Paul ay tumawag agad siya ng taxi at sumakay.                 "Kuya, sundan mo 'yong motor na iyon," utos ni Danica sa taxi driver.                 Nang masundan ni Danica si Paul, napansin niyang pumarada ito sa isang restaurant. Tumigil sila rito at napansin ni Danica na pumasok si Paul sa loob ng restaurant.                 "Anong ginagawa ng lalaking 'to dito? Akala ko ba bukas pa ang interview niya?"  bulong ni Danica sa sarili habang pinapanood ang kasintahan na pumapasok sa loob ng restaurant.                           "Miss? Bababa ka pa ba? May biyahe pa kasi ako, e,"  wika ng taxi driver na kanina pang naghihintay na bumaba si Danica.                 "A, eto na po, kuya. Salamat po,"  tugon ni Danica sabay abot ng bayad.                 Pagkababa ni Danica sa sa taxi ay kaagad siyang natago sa isang halamanan at nagmatyag na parang imbestigador sa restaurant. Salamin lang ang tanging naging pader ng restaurant kaya kitang-kita niya ang mga tao sa loob nito. Napansin niya si Paul na umupo sa isang table at may isang babae rin na nakaupo sa kabilang upuan, sopistikada at balingkinitan ang katawan ng babae na bahagyang kulot ang buhok. Nakasuot ito ng red fitted dress na nagpalabas sa hubog ng katawan niya. Ngunit ang mas nakakagulat ay nang halikan ni Paul ang babae sa labi at umupo sa tabi nito sabay inakbayan sa kaniyang balikat.                   Tila binuhusan ng napakalamig na tubig si Danica sa nakita. Hindi niya alam ang susunod niyang gagawin dahil sa pagkagulat. Nanginig ang mga tuhod at hindi namalayang pumatak na ang mga luha sa mata. Gusto niyang sugurin ang kasintahan ngunit wala sa bokabularyo niya ang pagiging taklesa at eskandalosa.                 "Ang kapal ng mukha mong lokohin ako Paul," naging tugon niya sa sarili at dahan-dahang tumayo mula sa kaniyang pwesto.                 Pinunasan ang luha at kinuha ang cellphone sa bulsa. Ngunit sa pag-aakalang cellphone ay wallet pala ang nadampot niya at hindi sinasadyang malaglag ito at bumukadkad. Bumungad sa kaniya ang wallet-size na litrato nila ni Paul at napatitig dito. Galit na galit niyang inalis ang litrato sa wallet at ginasumot ito sabay tapon sa kung saan ngunit hindi niya napansin ang taong naglalakad sa harap niya dahilan para tamaan ang taong iyon sa noo at magulat. Dahil na rin sa pagkagulat ay nahulog ng taong binato ni Danica ang dala nitong bag na may lamang tila mabigat na bagay.                 "What is your problem?!"  angil ng boses lalaking natamaan ng ginasumot na litrato ni Danica at kaagad niya itong pinulot.                 "Sorry," wika ni Danica na na-guilty sa hindi sinasadyang pangyayari.                 Pinulot ng lalaki ang bag at hinarap si Danica nang makatayo ito mula sa pagkakayuko ngunit isang pamilyar na mukha ang nakita ng dalawa sa isa't isa.                 "Ikaw na naman?!" sabay na tugon ng dalawa dahil sa pagkagulat.                 Sino kaya itong lalaki na ito at tila nanlisik ang mga mata ni Danica na kanina lamang ay lumuluha?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD