"Sa susunod na saktan mo ang kaibigan ko, hindi mo magugustuhan ang mga gagawin ko sa iyo," pagbabanta ni Ma-an kay Rosalyn na may kasamang panduduro. Doon nakaramdam si Rosalyn ng kakaibang takot. Kilala ni Danica si Ma-an bilang pinakakalmadong tao sa kanilang tatlo kaya ganoon na lamang ang pagkagulat niya sa mga ginawa ni Ma-an kay Rosalyn. Nasa loob ang kulo nito kaya sa oras na sumabog hindi niya gugustuhing kalabanin ito. At sa pagkakataong 'yon mukha naputol na nga ang pasensya ni Ma-an kay Rosalyn. Namuo ang takot kay Rosalyn. Noon lamang siya nakakita ng ganoong tao na handang manakit maipagtanggol lang ang taong mahalaga sa kanya, "B-bitawan mo ako," utos niya. "Gagawin ko lang 'yun kapag sinunod mo ang gusto ko," pagbabanta ni Ma-an sa takot na takot na si Rosalyn. Natapos n

