Habang nasa biyahe sina Az at Danica pauwing Maynila ay hindi halos mapakali si Danica sa kanyang kinauupuan. Panay ang kuskos nito sa kuko niya sa hinlalaki senyales na kinakabahan siya at palinga-linga sa daan. Tila gusto niyang bumilis ang oras at makita agad ang kanyang ina. Kung puwede nga lang siyang lumipad upang makarating kaagad sa kinaroroonan ng kanyang ina ay nagawa na niya. Ngunit isa lamang siyang mortal at normal na tao kaya wala siyang magagawa. Sino nga naman ang hindi mag-aalala sa pagkakataong ang mahal mo sa buhay ay halos hindi mo alam kung ano ang kalagayan. Kinuha ni Az ang kamay ni Danica. "Don't worry. Everything's okay." Kaagad namang nabawasan ang nararamdamang pag-aalala ni Danica dahil sa pagpapakalma ni Az sa kanya. Kung wala sa tabi niya si Az ay malaman

