Miyerkules ng umaga, kasalukuyang nag-aayos ng gamit si Danica nang makita niya ang mangilan-ngilang damit na ibinigay sa kanya ni Az. Tiningnan niya ang bawat piraso nito at napaisip. Gusto niya ibalik ito dahil ayaw niyang maalala lahat ng mga bagay na makapagpapaalala sa kanya kay Az. Ngunit kailangan niyang humugot ng lakas ng loob para harapin si Az. "Haaay... bahala na nga," hugot-hiningang wika nito sa sarili. Kumuha siya ng kahon at inilagay lahat ng damit at gamit na ibinigay sa kanya ni Az. Napansin naman siya ng kapatid niyang si Dan habanga nag-aayos ito ng gamit. "Oh Dan, anong ginagawa mo rito?" usisa ni Danica sa kapatid habang papalapit ito sa kanya. Malungkot ang mga mata nito na umupo sa kama niya. "Ate, okay ka lang ba?" nakasimangot n

