my cheating heart 1/1
marami ng tao sa ibaba hija si Carina nang sumungaw sa pinto ng silid ng anak Hindi kapa ba lalabas ?
Dumating naba ang tita zeny at tito arnel Mommy ? excited niyang tanong at tumayo mula sa dresser stool At.. at si Miles ???
Tuluyang pumasok sa silid si Carina at nangiti . Bakit ka naman naiinip gayong apt na bloke lang ang layo ng bahay naten sa kanila Hija kung gusto mong makatiyak ay bakit hindi mo tawagan ?
nilapitan ni Carina ai Nadia na humarap sa salamin Kumuha ito ng klennex at pinahiram ang excess lipstick ng anak She signed.
.nang araw na dumating tayo sa Maynila ay tinawagan ko siya Mommy ani Nadia na nakalambong ang mata ang sabi ng tita Zeny ay tulog si Miles .
M-may palagay akong nagdadahilan lang siya I..i tried again the next day Nasa SIC na si tita Zeny at nasa mill nadin si tito Arnel ang sabi ng maid ay hindi sinasagot ni Miles ang intercom sa silid nito .
Well there must be some reason why you haven't had the chance to talk to him. Malalaman naten pagdating ng mga Sta. Romana Tayo ng bumaba hija at nakakahiya sa mga bisita Humakbang si Carina patungo sa pintuan
I'll be down in a minute Mom
huwag kang magtagal hija at kahit ang Daddy moy pinasusundo kana sa akin Lumabas na itong tuluya.
ai Nadia ay naupong mylu sa stool at binigyan ng panghuling hagod ang sarili
She was so excited to see Miles again after four years. Gayong kung tutuusin ay hindi naman dapat dahil may nobya na ito at ikakasal na Still hindi parin niya maialis na umasa na sanay dumating ito She has missed him so much
Sa apat na taon niya sa Australia ay hindi nakalimot magpadala ng card si Miles sa kanya Bagaman nadidismaya siyang mumunting messages ang nakalagay doon ay nagagalak narin siyang hindi siya nakakalimutan ng kababata sa lahat ng okasyon sa buhay niya
And she would bear Arlyn's presence tonight kung sakaling isasama ni Miles ang nobya
Dinampot niya ang botelya ng paborito niyang pabango Whit linen ng Estee Lauder at nagwisik sa mga pules points niya. Then she gave herself one last look in the full length mirror at saka lumabas ng silid
Naiinip na ang papa mo Miles bilisan mo naman. apura ni Mrs Zeny Sta.Romana sa anak Nakakahiya naman sa mga tita Carina at tito Benedict mo kung late na tayong darating Tayo nga itong dapat mauna roon....
Mauna na kayo sa ibaba Mama.
Susunod na ako wika nito sa tonong hindi intresado kung makadadalo man sila sa anniversary ng mag asawang matalik na kaibigan ng pamilya
Huwag kang magtatagal she warned Pagkatapos tingnan ang anak ay lumabas ng silid si Mrs Zeny Sta. Romana
Wala sa loob na tumingala si Miles sa isang kwadrado na nakasabit sa ibabaw bg headboard nito Silang dalawa ni Nadia sa isang nakakatuwang caricatur. Regalo iyon sa kanya ng kababata ng magtapos siya sa kolehiyo At marahil iyon na ang pinaka mahalagang regalong natanggap niya sa buong buhay niya
A little smile played his lips at the thought Subalit ang ngitiy dagli ring nawala at nag buntong-hininga siya Alam niyang dumating na ang mga Zapanta mula Australia noong isang linggo Sa hotel sa makati nagtuloy ang mga ito bago umuwi sa San Ignacio dahil sa ilang papeles na inasikaso ng Ninong Benedict niya sa Philippine branch ng pinag tatratrabahunan nito Ayon narin sa mama niya
Hindi niya gustong kausapin ang kababata nang tumawag ito Not that he didn't want to talk to her . Far from it . Hindi lang niya kayang makipagusap muna kahit kanino sa nakalipas ng mga araw. At kahit ngayoy wala naman siyang balak daluhan ang pagtitipon ng mga Zapanta kung hindi sa pamimilit ng Ina
Mula sa ibaba'y narinig niya ang tinig ng ina.
Taking his time dinampot niya ang leather jacket sa silya at lumabas ng silid
MILES !'' nakatawang salubong ni Carina sa binata
Isang halik ang binigay ni Miles sa pisngi ng nakatatandang babae Kumusta ang bailkbayan ? he asked politely with a forced smile on his lips Karamihan sa mga bisita ay kilala rin ng binata at nakita nitong ilan samga iyoy naka tingin sa kanya Tumiim ang mga Bagang niya
Mahigpit namang nagkamay sina Benedict at Arnel
Carina si Mrs. Sta. Romana at niyakap at hinagkan sa pisngi ang matalik na kaibigan Nahiyang ka sa ibang bansa Tila napaka bata mong tingnan sinuyod nito ng tingin ang kaibigan bago inikot ang mga mata sa bulwagan Nasaan nga pala si Nadia ?
Bababa na iyon Zenaida nakangiting sagot nito parang hindi ka dumaan sa pagka dalaga...sabay na nagtawanan ang dalawang babae
Si Miles ay humiwalay sa grupo ng mga magulang at ng mga Zapanta ang mini Bar ay nasa sulok na bahagi ng malaking bahay at maliban sa hired bartender ay wlang tao roon Iyon ang tinungo niya
.iilan lamang ang mga bisita Mga piling kaibigan at kakilala ng mga Zapanta naka darama siya ng galit sa tuwing nagagawi ang tingin ng kahit na sino sa mga ito sa kanya at batiin siya Kung tutuusin ay mga kaibigan din naman ito ng mga magulang niya at natural lamangba bumati at ngumiti Siya lamang marahil ang nag iisip na ba naawa ang mga ito sa kanya
Naupo siya sa bar stool at humingi ng alak sa bartender ..
Nadia hija bati ni Zeny sa anak ng kaibigan nang lumitaw ang dalaga sa bulwagan niyakap hinagkan Oh my abay napakagandang bata itong anak mo Carina
Thank you Tita Zeny sagot ng naka ngiting dalaga sandaling umikot ang paningin K..kasama po ba ninyo si Miles ?
Nawala ang ngiti sa labi ni Mrs Sta.Romana Sumeryoso ito at nag buntong hininga
Kasama nanen si Miles Nadia sagot nito at hinawakan sa kamay ang dalaga
Bago mo kumustahin ang kaibigan moy mag usap muba tayo hija Nilingon nito si Carina
You can use the guest room
Nakita ni Nadia si Miles sa may dulo ng veranda sa likod suot ang jacket nitoy nakasandal sa paste at naka tingin sa karagatan na tila binibilang nito ang mga alon na humahampas sa dalampasigan Sa kanang kamay nito ay ang kopita ng alak