Nasa 3rd year na siya sa high school at si Arlyn naman ay 4th year na habang si Miles ay graduating na sa college
kung dati si Arlyn lang ang kalaban niya sa atensyon ng binata ay hindi na ngayon. Maraming babae ang naghahangad na mapansin ng binata
At nag pupuyos ang kanyang loob ng malamang nakaka ilang palit na ng girlfriend ang kababata .
Ganoon may nakakapagtakang lagi paring tila anino nito si Arlyn
At wala parin siya alam buskahin kapag naka silip ng pagkakataon
kung hindi si Arlyn na lalong gumaganda sa pag dadalaga nito At sa murang edad ay marami na itong manliligaw.
Maganda rin si Nadia gandang lumalalim habang tinititigan. Subalit hindi iyon napapansin dahil may pagkagaslaw kumilos at tila lalaki.
Laging naka pantalon at laging may baliktad na cup sa ulo Ang barkaday puro lalaki
Hindi niya alam na ng pumili muli sa high school department ng mga candidate's para sa Miss SIC kasama siya sa tatlong pinag pipilian. Kaya naman nagulat siya ng papuntahin siya ng principal's office at makita roon si Arlyn
Nakaupo at tila prinsesa sa stiff back ng office ng principal.
Maayos na maayos ang buhok sa pagkakasupil magkapatong ang dalawang kamay sa harapan na tila kukunan ng litrato ng school photographer Ni hindi sumayad ang likod sa sandalan Kalahati lang ng silya ang akupado.
Kung saan nito natutunan ang mga ganoong tamang paraan ay ikinaiikot ng mga mata niya sa kisame at ikina angat ng isang kilay niya Kung siya ang kikilos ng ganoon ay hindi lilipas ang dalawang minuto at babagsak siyang tila tiniban sa sahig
Umangat ang kilay ni Arlyn sa pag kakatitig sa kanya
Ginamit moba ang mama ni Miles para mapasama ka sa pag pipilian ?
Hindi ako makapaniwalang nasa listahan ka sa pagpipilian ng representative mul sa high school department.
Bumaba tumaas ang mga mata nito sa kabuuan niya sa painsultong paraan
Naka P.E. jogging pants siya And asusual marungis ang puting T-Shirt dahil naglaro sila ng volleyball May iilang hiblang buhok niya ang kumawala mula sa pagkaka tali sa likod at nakasabog sa mukha niya at puro pawis ang gilid ng noo at pisngi
She was a total wreck
I'll decline if i were you patuloy nito habang walang lubay sa pag baba taas ang mata sa kanya na kinakabahan siyang baka hindi na maibalik sa tamang fucos
Mapapahiya ka lang ....
You're rude alam mo ba iyon ? inis niyang sabi rito naroon ang simpatya ng titig nito sa kanya You're my friend Nadia nag aalala lang ako Ayokong mapahiya ka
All right consistent honor student ka pero hindi lang naman brain ang basehan sa pagpili ng Miss SIC higit mong alam iyon dahil dito ka nag aaral mula pa kinder
Hindi niya gusto makipag talo rito sa mismong office ng principal. Besides there was no need for Arlyn to be insulting she was politely decline she might be consistent top student tama si Arlyn but she was no beauty kumapara sa dalawa pang pag pipilian
Nagulat pa ang principal ng tumanggi siya gusto nitong makausap ang mommy niya Subalit nagpaka tanggi tanggi si Nadia at napahinuhod ang principal
What followed in the next three days were hours and series of interview for Arlyn at ang isa pang napili mula sa second year high school .
And she was only too glad ng hindi si Arlyn ang napiling representative sa high school department
ang napili ay ang mula sa second year
Ang anak nina Mr. & Mrs. Rodrigo dela serna . na parehong kaibigan din ng mga magulang niya at magulang ni Miles
Her father is very influential in this town nakasimangot na sabi ni Arlyn sa kanya ng tanungin niya kung ito ang napili
She smiled silently. Arlyn was only sour graping. Totoong maganda ito but Nadia thought that she lacked the hiegth kumapara sa napili Though confidential ibinulong sa kanya ng barkadang lalaking anak ng principal na hindi ito nakapasa sa oral interviews At malaking bagay iyon
Arlyn wasn't that dumb but definitely she was not the smart either.
Or maybe the principal saw through her.
na sa kabila ng ipinakikita nitong poise at calmness ay naroon ang isang maligalig na pagkatao
Nadia you're unfair
ang konsensya niya na tila komersyal ng sabon
Subalit nagkamali ang principal sa pagpili ng representative mula sa high school department. Mr. ang Mrs Dela serna 's daughter won the title. just like her mother many years before her.
A- ATTEND kaba ng JS from ? tanong sa kanya ni Crisanto kaibigan at kaklase niya
Hindi ko pa alam sagot niya habang binubuklat buklat ang hawak na libro
Sa palagay mo bay may date na si Arlyn tanong nito sa kanya
Malay ko kibit balikat niyang sagot at pabirong hinampas sa braso ang barkada at kaklase At may balak ka pa palang pumorma kay Arlyn ha !?
Namula naman si Crisanto Medyo ...
Ay naku Crisanto naghahanap kalang ng batong ipupukpok mo sa ulo mo Maghanap ka nalang ng iba
Siguro nga Nag aalanganin din ako wika ng binatilyo Kasi baka sila na ni Miles eh ..
nag eskrima ang mga kilay niya sa narinig bakit mo naman nasabi yan seryoso ang tinig niya
Nakita ko kasi sila minsan sa beach na magkasama pag kukwento nito sa mismong likod ng bahay nina Miles sila lang dalawa at magka hawak-kamay pa .
Magka hawak-kamay ?? she shrieked
Hindi makapaniwalang hinarap niya ang ka klase Kailan ??
Huwag kang tumili Tinitingnan tuloy tayo ng mga tao saway nito A week ago or so . Kaya lang nakalimutan kung itanong sa iyo
Wala akong alam . Napatingin siya sa kawalan at nag iisip
PAGDATING niya sa bahay ay ibinaba lang niya ang gamit sa school . Kinuha sa garahe ang bisekleta at kaagad na tinungo ang bahay nila miles isinandal lang niya ang bisekleta sa bakod at tuloy tuloy sa loob
nakita niyang bukas ang library sa baba at sumilip siya
Tita zenny nasaan po si Miles ? tanong niya sa mama nito na abala sa pag gawa ng lesson plan
Nasa kwarto niya hija puntahan mo na lang naka ngiting lingon sa kanya ni Mrs Sta Romana bago ipinag patuloy ang ginagawa
sa dala dalawang baitang ay pumanhik siya sa itaas tuloy tuloy siya sa silid ni Miles naroon ang binata at may kausap sa telepono pasadlak siyang naupo sa kama nito
Sinong kausap mo tanong niya
hindi siya sinagot ni Miles at tumalikod ito at halos pabulong ang pag papa alam sa kausap sa telepono
Miles ano kaba ? inis niyang sabi tinagtag ang braso ng kaibigan
Hinarap lang siya ni Miles ng maibaba nito ang phone Bakit ba sino ba ang kausap mo ha? tanong niy ulit
Wala kana ron
Siguro bagong nililigawan mo nanaman yon ano ?? tukso niya rito at Lumabi
O eh ano naman binata ako at malayang manligaw
Inirapan niya ito at kinuha ang unan at inihampas dito Isumbong kaya kita kay Tita Zeny pananakot niya kung d pa may nakapag sabi sa aking nag de date kayo ni Trixia Trinidad
Sumbongera kana pala ngayon natatawang sabi ni Miles sabay salag at agaw sa kanya ng unan pero matagal na iyong nabalitaan mo Sweetheart may bago na uling boyfriend si Trixia
So ibig sabihin ay iba naman ngayon ??
pinanlakihan niya ito ng mata
Tsismosa pinindot ni Miles ng mariin ang ilong niya ??
Aray !! Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya at saka lang binitawan nito ang mamula na niyang ilong
Tingnan mo ang ilong mo parang hinog na kamatis nakangising buska nito habang maluha luhang hinimas naman niya ang nasaktang ilong
Kamatis pala ha ! Dinampot niya uli ang unan at pinag hahampas ito
Dumampot din ng unan si Miles at gumanti rin ng hampas pareho na silang nakatayo sa ibabaw ng kama na tila mga wrestler tumitili si Nadia habang nag hahampas ng mga unan na ang mga polyester na nabusbos ay nagkalat na sa ibabaw ng kama at sahig
Emilio! Nadia ! ang mama ni Miles sa bungad ng pinto at naka pameywang at nanlalaki ang mga mata
Bigla silang natigil sa ginawa nagkatinginan sandali at nagbawi rin ng mga paningin Humihingal na naupo sa kama si Nadia Sumunod si Miles at nasa gilid ng kama
Ano kaba Emilio ? si Mrs Sta Romana at isa isang pinulot ang mga polyester na nagkalat sa paligid baka akala moy doce años ka pa lang kumg magharot kayong dalawa Ang lalaki niyo nay para pa kayong mga bata kumg umasta
naririnig sa buong subdivision ang mga boses niyo Pati trabaho koy na aabala noyo Hindi nito malaman kung matatawa oh magagalit sa dalawa umiiling na inilagay nito sa ibabaw ng study table ang mga sinamsam na polyester Binigyan niyo pa ako ng trabaho ngayon
Si Nadia ang sisihin niyo mama ani Miles na nilingon ang dalagita at pinipigil na mangiti
aba aba at bakit po ako ?? painosenteng depensa niya Siya po Tita ang nauna
Kayong dalawa oo. kinuha nito sa kama ang mga unang nabusbos at ang naipong polyester at lumakad patungo sa pinto Dadalhin ko na ito at ng matahi ni Mameng
Hustong makalabas ng silid si Zeny ay bumanghalit ng tawa ang dalawa May kung ilang sandali ring nagtawan
Maya mayay hinarap siya ni Miles nilaro laro ang buhok niya
Bakit ka nga pala narito tanong nito
huwag mong sabihing para makipag hampasan ng unan ? He teased
She grinned kaya ako nagpunta dito kasi may itatanong ako sayo umayos siya sa pagkaka upo sa ibabaw ng kama
Tungkol saan ?? tanong nito na nahiga nalang at inunan ang mga braso Ang mga bintiy nakalawit sa kama
Kay Arlyn sagot ni Nadia hindi na kaila sa kanya ang interes na mukha ni Miles ng sabihin niya iyon may boyfriend na ba siya
nag kibit balikat lang si Miles iniwas sa kanya ang mga mata Ewan ko. bakit mo naman natanong
Wala lang kasi si Crisanto iyong kaklase ko eh balak yatang pumorma kay Arlyn
Bakit hindi mo kay Arlyn itanong
nakaka inis naman si Arlyn masyadong malihim sumimangot siya
Natawa si Miles sa sinabi niya palibhasa super daldal ka
Anyway isa pa sa sadya ko sa iyo ay baka dumalo ako sa JS prom namen patuloy niya Si Miles ay nakikinig lang
Baka naman pwedeng maging partner kita ??
Nakita niya ang pagka bigla sa mga mata ng binata Sandali siyang tinitigan
Huwag na ako sweetheart Baka exam period na namen ng araw na iyon Tiyak hindi ako pwede
Sandaling hindi nagsalita si Nadia pagka rinig sa endearment. pangalawang banggit ni Miles iyon mula kanina maliliit pa silang mga bata ay iyon na ang tawag sa kanya ni Miles katawagang dumalang ng dumating si Arlyn at nitong mga nakaraang taon ay tuluyan ng hindi naririnig mula kay Miles ngayon na lang ulit
kakainis ka naman ..
sinabayan niya iyon ng buntong hininga Hindi nalang siguro ako dadalo sa prom
hindi ba marami ka namang barkadang boys ?? ani Miles na tumayo sa pagkakahiga at inakbayan siya
ayoko nga sa kanila
Ang sabihin mo takot sa iyo ang mga boys sa school . Kasi namab maton ka at napakagaslaw kumilos Hindi mo gayahin si Arlyn .
Lihim siyang sumimangot sa sinabi ni Miles
gusto niyang sumbatan ito na lagi na lang siya g ikinukumpara dito Si Arlyn ay mahinhin mabining kumilos pinong ngumiti etcetera etcetera ....
Muli siyang bag buntong hininga at tumayo na Uuwi na nga muna ako
SIGE na Arlyn pangungulit niya rito ng magkita sila sa canteen sa school
Nadia napaka kulit mo Ayoko sabi period..
Mabait naman si Crisanto build up niya sa barkada Wala ka pa naman yatang partner sa prom
Sino naman ang may sabi sa iyong wala ??
Matamis na makahulugang ngumiti si Arlyn .
may partner kana interesang tanong niya ??
Time kona Sige !
At bago oa siya nakapag salita ay nakatayo na ito at nagmamadaling umalis
Napasunod na lang siya ng tingin sa kababata