Prologue
"f**k! Halos masuyod ko na lahat ng bangko, mukhang ayaw talaga nila ako pag-loan-in ng ganoong halaga." Saad ng binata sa kausap nito.
"I told you pre, kay Mr. Secreza ka na lang lumapit I'm sure hindi magdadalawang-isip iyon na pahiramin ka." Sagot ng kanyang kausap.
"No! I wouldn't do that!" Giit niya.
"Bahala ka! Sinasabi ko na sa'yo ang the best way para makuha mo yung deal kay Mr. Akihito."
Napabuga ng malalim na hininga ang lalaki, habang nakatayo ito sa harap ng isang mataas na gate.
"I have no choice, but to do this." Sabi niya.
"Knox kaya mo iyan!" Pangungumbinsi niya sa kanyang sarili. "s**t! Bakit ko ba kinakausap sarili ko!" Bulong niya.
"Mr. Everett?" Tanong ng isang matandang babae sa kanya.
"Opo ako nga po." Magalang na sagot niya.
"Sandali lang po at bubuksan ko ang gate." Aniya.
"Sige po." Pumasok siya sa kanyang pickup truck at hinintay ang pagbukas ng gate.
Hinatid siya ng katulong sa opisina ni Mr. Secreza.
"Take a sit Mr. Everett." Anito.
"Thank you Sir."
"So what brings you here?" Diretsang tanong nito sa kanya at umupo sa katapat nitong upuan at saka umabre siete.
"Sir I just need your help." Sagot niya. Sa kabila ng katandaan ni Ginoong Secreza ay mababanaag mo sa itsura nito ang pagiging matikas nito at sa edad na sisenta'y singko ay marami pa ring mahuhumalin na kababaihan sa taglay nitong kagwapuhan.
"And what help you need?"
"Sir, halos nalibot ko na po lahat ng bangko sa bayan natin ngunit wala ni isa sa mga ito ang gustong mai-loan ko ang perang kailangang ko." Paliwanag niya rito.
"Magkano ba kailangan mo hijo?"
"One Hundred million po sir." Diretsang sagot niya.
"Well let me think about it." Saad nito.
"Sir I really need that money so bad, kaya sa inyo po ako lumapit."
"Okay, okay, how about we make a deal!?"
"A d-deal?" Gulat na tanong niya.
"Yes a deal. I will give you a hundred million, but!" He stop in the mid of sentence.
"But? What sir!?" Nagugulumihanang tanong niya.
"You need to marry my daughter." Walang pag-iimbot na hayag nito sa kanya.
"Pe-pero... T-teka lang sir... wag naman po kayong padalos-dalos sa deal." Nauutal na tugon niya.
"You need the money badly right!? I'm offering you the hundred million, at pwede ko pa iyong dagdagan. At diba halos walang bangko na may gustong magpahiram sa'yo ng halagang hinihiling mo sa kanila. My deal is so simple just marry my daughter and I'll give you your money. So take it or leave it? It's all up to you now." Pinal na saad ng matandang lalaki saka tumayo sa kinauupuan nito.
Inabot pa nang ilang minuto si Knox bago nakapagdesisyon.
Humugot siya ng malalalim na hininga bago muling hinarap ang matanda na ngayo'y nakamasid sa bintana ng opisina nito.
"Okay Sir, I'll take your deal." Nilunok niya ang kanyang pride para lang sa pera.
"A very wise decision young man." Nilapitan siya nito at nakipagkamay.
"I'll be going to Negros Orriental for the conference." Sabi ng asawa niya sa kabilang linya.
"Aren't you going to ride a plane?" Tanong naman niya.
"Nope I want to try traveling via ferry." Sagot ng asawa.
"Can I be with you?" Tanong niya rito.
"I'm fine, don't come with me. You still have a lot of work to do my dear." Saway ng kanyang asawa.
"But–"
"No more buts, just stay there and wait for me, okay!?"
"O-okay." Malungkot na sagot niya.
"I love you." Halos pa Bulong na bigkas ng kanyang asawa.
"I lov–." Hindi niya naituloy ang kanyang pagtugon ng makarinig siya ng isang nakakabinging pagsabog mula sa kabilang linya. "Anna! Anna! Anna!" Tawag niya sa kanyang asawa ngunit wala na siyang marinig pang tugon mula sa kabilang linya. "No! No! Hindi ito maari!" Sigaw niya at nasuntok niya ang lamesa kaya naman nabasag iyon.