PARANG MGA ULAP ANG MGA BULA at usok mula sa jacuzzi na kinaroroonan ni Ambrose. Ipinatong niya ang mga siko at sumandal sa gilid ng jacuzzi habang tinatanaw ang malaking bahagi ng BGC. Kitang-kita iyon dahil nasa pinakamataas na palapag siya ng building na pag-aari ng kompanya niya. Ang buong palapag na iyon na ang nakapalibot na dingding ay puro salamin ay para lang sa iba’t ibang water activities para sa kanya. Ambrose felt like an Olympus god bathing in the clouds. Napahalakhak si Ambrose sa naisip. Bilang isang miyembro ng tribung Ugjayon, mahigit apat na daang taon na ang nakakaraan, ang sinasamba lang nila ay ang kalikasan at ang sagradong lupa. Ngayon, sa tagal niya na sa daigdig ay napakarami na niyang nalaman na mga sinasamba o pinaniniwalaan ng mga mortal. At gusto niyang mapa

