Ang Pagbabalik ni Ygban

611 Words

NAKIKITA AT NARIRINIG NI SEBASTIAN SA HARAP ANG AMANG SI KARLOS SALVADOR pero hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Nasusubaybayan niya ang marahang pagbuka ng bibig nito sa pagpipilit na magsalita pero hindi niya maunawaan ang lumalabas doon. Ilang araw ng lumilipad ang isip ni Sebastian, parang may hangin na tumatawag sa kanya na umapak muli sa kagubatan. Kung dati ay naisasantabi niya ang kasabikang makabalik sa tribu at malaman ang kalagayan ng kanyang Rahgu, ngayon ay mas tumitindi iyon at ilang gabi siyang hindi pinapatulog. Nagbalik ang atensyon ni Sebastian nang tumigil ang ama sa pagsasalita, parang hinihintay ang pagsagot niya. “Gagawin ko, Papa,” maikling sagot niya. Sa katunayan ay hindi pa niya mapag-isipan kung gagawin nga niya ang habilin nito. Gusto ni Karlos na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD