ANG TRIBUNG UGJAYON ANG ISA SA pinaka-unang pangkat na nanirahan sa katimugang kagubatan ng bansa bago pa man makarating ang mga mananakop. Hindi katulad ng ibang pangkat na natutunan na manatili at nakapagtayo ng mga pamayanan sa tabi ng mga ilog, ang mga sinaunang Ugjayon ay walang permanenteng tirahan, tumitigil lamang nang panandalian sa isang lugar sa gubat kung saan may makakain ang pangkat at lumilipat na muli bago ang kabilugan ng buwan. Ang ginagawang paglalakbay ng mga Ugjayon ay sa loob lamang din ng malawak at mapanganib na kabundukan at hindi nila sinubukang manirahan sa kapatagan o sa tabi ng dagat. Naniniwala ang mga Ugjayon na ang kanilang ginagawang paglalakbay sa kagubatan ay isang pagbibigay-galang sa kanilang sinasamba, ang sagradong lupa. Walang sapin ang kanilang mg

