LABINDALAWANG TAONG GULANG SI RAHGU YGBAN bilang isang mortal nang labis na maintindihan niya ang pagiging kakaiba niya sa mga miyembro ng tribung Ugjayon. Mapusyaw ang kanyang balat at namumula lamang siya kapag masyadong nababad sa initan. Ang kanyang buhok ay malabnaw ang kulay hindi katulad ng itim na itim na buhok ng mga kapwa niya bata. Mataas din siya kumpara sa mga ka-edad niya. Iba rin ang hugis ng kanyang mata, ilong at bibig. Pakiramdam ng batang si Ygban ay siya ang pinaka-pangit sa buong tribu dahil iyon din ang sinasabi ng mga bata sa tuwing tutuksuhin siya ng mga ito. Ang mga matatanda ay hindi deretsong sinasabi sa kanya ang pagiging kakaiba niya pero ang mga titig na binibigay nito sa kanya ay sapat na para maramdaman niya na kakaiba siya. Tinungo ni Ygban ang sariling re

