ISANG LINGGO PA ANG LUMIPAS AT NAPAKARAMING NATUTUNAN NI JADA mula kay Inang. Hindi lamang ito nagturo sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanya ng mga kailangan niyang malaman kundi isinama din siya nito sa komunidad habang nagsasagawa ito ng libreng check-up para sa mga nagdadalang-tao. Bukod sa pag-oobserba ay hinayaan siya nitong tumulong sa mga gawaing ginagabayan ng mga nurse sa grupo nito. Sobrang nage-enjoy si Jada sa ginagawa. Bukod sa napakarami niyang natutunan ay natutuwa din siyang maranasan na makisalamuha sa iba’t ibang tao. Nabubuksan ang mga mata niya sa kalagayan ng mga ito na noon ay hindi man lang niya naisip na nangyayari. Natutuwa siyang pakinggan ang pangangamusta ng mga ito sa buong team ng CALIDA. Patunay iyon na may magandang samahan ang organisasyon at ang mga benep

