MUKHANG MAGKAKATOTOO NA NA MAWALAN SIYA NG MALAY, naisip ni Sebastian. Ilang minuto na ang lumipas simula nang sugatan niya ang sarili at patuloy ang pag-agos ng dugo. Nasa loob na sila ng bahay at nakuha na ni Jada ang first aid kit pero hindi pa din ito kumikilos para gamutin siya. Hindi niya sigurado kung paraan iyon ng pagganti ng dalaga dahil sa ginawa niya kanina o talagang hindi ito marunong gumamot ng sugat. Hindi niya makita ang mukha nito at mabasa ang nararamdaman nito dahil kanina pa itong nakatungo, sadya nitong iniiwasan na titigan siya. Parang isinisigaw ng init ng katawan nito na hindi nito gustong makita siya o makatabi. Isang imortal si Sebastian pero mararamdaman pa din niya ang epekto kung masasaktan o sa kaso niya ngayon ay nalalapit na pagkaubos ng dugo. Mahinang na

