Isang Hapon sa Gilid ng Bangin

2333 Words

NATAGPUAN NI SEBASTIAN SI JADA SA UPPER DECK NG BARKO. Nakatanaw ito sa madilim na dagat. Ang buhok at ang suot nitong bestida ay dinadala ng mabining hangin sa iba-ibang direksyon. Naalala niya ang unang gabing nakita niya ito sa gitna ng kalsada, katulad noon ay napakapayapa nito at parang nasisiyahan sa ganoong klaseng tahimik na pag-iisa. Nanatiling nakatayo sa isang sulok si Sebastian at ayaw gambalain ang dalaga. Parang nahahawa siya sa kapayapaan nito at nakuntento na lang na pagmasdan ito. Ilang araw na silang naglalakbay at nahiling niya na sana ay tumagal pa iyon. Pero katulad ng lahat ng paglalakbay ay makakarating at makakarating sila sa destinasyon nila. Pagkatapos ng gabi sa amusement park ay hinayaan niya ulit si Jada na magdesisyon kung saan nito gustong pumunta. At hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD