LALONG PINANLAMIGAN SI JADA sa sinabi ng lalake. “W-What do you mean?” Hindi siya nito inintindi at humarap kung nasaan ang liwanag ng papalubog na araw. Dahil sa taas ng lalake ay mahaba ang aninong ginagawa nito. “Let’s just say that your death will have a beneficial consequence to a great number of people,” balewalang sagot nito sa kanya, parang simpleng bagay lang ang sinasabi. Hindi niya masabi ang mga nag-uunahang tanong na naisip niya. Lalo siyang naguguluhan sa mga sinasabi ng lalake. “I-I am a nobody, Mister. I have nothing! I just want to live a normal life!” Jada yelled crying. Sandaling natigilan ito, mukhang bahagyang na-amuse sa sigaw ni Jada. “You will know soon the reason why I need you,” may pangako sa tono nito. “P-Please, tigilan mo na ‘ko. Nothing’s special about

