DALAWANG BESES NA SI JADA nahulog sa pagitan lang ng dalawang araw. Muli ang lalake ang huli niyang nakita bago mahulog. Hindi katulad ng ginawa nitong pagsagip sa kanya sa bangin, nang mahulog siya sa pangalawang beses ay hindi ito kumilos man lang. Seryosong nakatingin lang ito sa kanya at sa mga mata ay may kaunting pagtataka at awa sa kakayahan niya. Maraming segundo na ang lumipas nang mahulog siya bago tumalon ang lalake pababa nang nakatayo. Hindi ito nag-abot ng kamay para itayo siya at sa halip ay hinarap ang tatlong lalakeng paparating. Nang subukan niyang tumayo ay isang hakbang lang ang nagawa niya at saka napaupo na ulit sa mga bangkong nakatumba. Gustong umiyak ni Jada sa sitwasyon. Hindi lang isa ang dapat niyang takasan kundi dalawa! Si Khai na mapaluluguran ang kaibigang

