SA MGA UNANG DALAWANG SIGLO ng pagiging imortal ni Sebastian ay napakarami niyang napuntahan at nakilalang mga tao. Hanggang sa paglipas ng isa pang siglo ay unti-unti ng nawalan ng interes si Sebastian sa mga tao at tuluyang naging limitado ang pakikisalamuha niya sa mga mortal at mga kapwa imortal. Sa palagay niya ay nakilala na niya ang lahat ng uri ng tao, nagkakamali pala siya. Tinungo ni Sebastian ang babae sa ibaba ng bakod na pader na may bitbit na mga upuan at hindi pa napapansin ang presensya niya. May ideya siya kung ano ang balak nitong gawin. Gusto niyang mapailing pero ayaw niyang pag-aksayahan ng kahit kaunting enerhiya ang babae lalo pa’t ang pagsunod dito ay malaki ng kaabalahan sa kanya. Kaunting patunay lang ang kailangan niya para masigurong hindi ito pain ni Ambrose

